Sandro pormal nang naghain ng reklamo laban sa ‘independent contractors’ ng GMA Network
Naghain na ng formal complaint ang Sparkle artist na Sandro Muhlach laban sa dalawang GMA “independent contractors” na sina Jojo Nones at Richard Cruz.
Ito ang ipinagbigay-alam ng GMA Network sa publiko sa pamamagitan ng inilabas nilang official statement kahapon, August 1.
Nakasaad din doon na bago pa man natanggap ng network ang pormal na reklamo ay nagsagawa na sila ng kanilang sariiling imbestigasyon.
Base umano sa request ni Sandro, magiging confidential ang lahat ng detalye sa isinasagawang imbestigasyon hanggang sa ito ay matapos.
Nangako rin ang GMA na isang masusi at patas na imbestigasyon.
Narito ang kabuuan ng official statement:
“GMA Network has just received a formal complaint from Sparkle artist Sandro Muhlach against two GMA independent contractors, Jojo Nones and Richard Cruz.
“Recognizing the seriousness of the alleged incident, GMA Network had already initiated its own investigation even before receiving the formal complaint.
“Respecting Sandro’s request for confidentiality, the investigating body will withhold all details of the formal investigation until its conclusion.
“The Network assures the public and all stakeholders of its commitment to conducting this investigation with the highest standards of fairness and impartiality.”
Matatandaan na nagsimula sa blind item ang tsikang isang bagitong aktor ang diumano’y pinagsamantalahan ng dalawang powerful gays na nagtatrabaho sa isang network.
Nag-trending ang balita at mainit na pinag-usapan sa social media at iba pang online platforms.
Mismong mga netizen ang nakahula na si Sandro ang tinutukoy sa blind items at nabanggit na rin ang GMA-7 gayundin ang pangalan ng dalawang gays.
Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin nagsasalita sa publiko ang kampo ni Sandro tungkol sa totoong nangyari although naglabas na ang ama niyang si Nino Muhlach ng pahayag without mentioning the details.
“Inumpisahan n’yo, tatapusin ko,” ang post ni Onin sa Facebook.
Naglabas na rin ng kanyang galit ang misis ni Onin na si Diane Abby Tupaz sa socmed at humihingi ng hustiya sa aniya’y ginawang ‘kababuyan’ sa kanilang anak.