Sandro

Sandro Muhlach may dahilan para magsampa ng kaso — mga senador

August 12, 2024 PS Jun M. Sarmiento 134 views

MAY kaukulang dahilan para mag-file ng kaso at ito ay malinaw sa aming pagkakaintindi.”

Ito ang tinuran ng dating actor Sen. Robinhood Padilla, chairman ng Senate committee on Public Information and Mass Media matapos ang ginawang executive session sa kontrobersiyal na isyu ng diumanoy sexual abuse na dinanas ng anak ni Nino Muhlach at Sparkle actor na si Sandro Muhlach sa kamay umano ng dalawang contractor ng GMA 7 na sina Mr. Jojo Nones at Richard Dode Cruz.

Nagpahayag din ng parehong pananaw si Sen. Jose Jinggoy Estrada. Aniya, may sapat na rason si Sandro Muhlach upang sabihin na may foul play na naganap kung bakit ito humihingi ng hustisya.

Ayon din kay Estrada na kasamang dumalo ni Padilla at ng iba pang senador sa isang executive session, bagamat may kanya kanyang katuwiran ang mga inaakusa at nag aakusa ay dapat lamang aniyang pakinggan pa rin ang katuwiran at ang katotohanan ay dapat manaig.

“Syempre may boses and lahat at hindi naman kami korte. We cannot divulge was transpired but as far as we can see, there’s strong evidence against them,” ani Estrada.

Ang ama ni Sandro na si Nino Muhlach na muling humarap sa pagdinig ay nagsabing inabuso ang kanyang anak. Humingi sa kanyang ng personal na paumanhin sina Jojo at Richard sa bahay pa mismo ng GMA boss na si Senior Vice President Annette Gozon Valdez kung saan ay binanggit ng mga ito na akala nila ay consensual ang naging pangyayari.

Inamin ni Nino Muhlach na umabot na siya sa punto ng pagkapikon kung kayat hiniling niya sa mismong komite ng Senado na handa siyang ilantad ang nangyaring pagpapalitang ng mga text messages ng kanyang anak at ni Mr. Jojo Nones mismo .

“Masyadong nakakainsulto na pinapalabas na nauna raw nag text si Sandro sa kanila. Ilalabas namin ang ebidensiya ngayon mismo na talagang hindi si Sandro ang unang nag text. I am doing this for my son Sandro at para sa iba pang walang kakayahan lumaban na nakaranas din ng ganito,” ani Nino Muhlach kung saan ay inisa isa nito sa pagdinig ang palitan ng text messages nung araw na yun.

“Hi Sandro, nakauwi ka na ba,”– Jojo

“Sorry po, hindi po kita nakita kanina. Naka check in po kami ngayon sa Marriott Hotel,”– Sandro

“Enjoy! Still partying? Sino kasama mo?”– Jojo

“Kasama ko pa po mga friends ko. Thank you Sir Jojo. Hope to work with you again.”- Sandro

“Pagkatapos po ng unang part ng text messaging nila kung saan gusto ni Jojo na dumaan duon si Sandro at nung nalaman ng bata na wala siyang kasama sa Bermont Hotel, hindi na ito sumagot. And at 4:27 am, nag text ulit si Jojo kay Sandro,” ani Nino Muhlach ,

“Hahaha. Just kidding na wala akong kasama. I am with the Drama Peeps!” Jojo

“So yung anak ko, dahil binanggit na drama peeps, ang habol ng bata ay trabaho. Nandun ang mga tamang koneksyon. Kaya nagsabi na yung anak ko na pupunta siya.” pag amin ni Nino Muhlach.

” May kasama ka? Dito kami sa Bermont Hontel sa Room 700B” Jojo

“No sir, Ako lang po. Kabababa lang po ng mga friends ko. Yung ang sagot ni Sandro sa kanya. Ganun pa man sinabihan ko ang anak kong si Sandro na mali pa rin kasi yung oras ay hindi na tama.”

Inilahad naman ni Sen Ramon Bong Revilla kung ano mismo ang kaniyang nasaksihan matapos na personal na dumulog sa kanya si Sandro. Inilarawan ni Sen. Revilla ang nakitang panginginig mismo ni Sandro at ang trauma nito na personal niyang nasaksihan.

“The guy is really shaking. I saw him personally. Nakita mismo ng dalawang mata ko ang reaksyon ng bata. It is so unfair. Ang usapan dito ay pangkalahatan na pwedeng mangyari kahit kanino lalo’s ito ay isyu ng sexual abuse. Hindi kami namemersonal dito. Ako personally kilala ko rin itong sina Mr Jojo. But I can attest na nanginginig yung bata at hindi dapat mangyari o maulit ang ganitong bagay kaninuman,” ani Revilla.

Pareho naman humarap sina Jojo Nones at Richard Dode Cruz sa nasabing pagdinig at pormal din na nag isyu ang mga ito ng kanilang pormal na statement.

Sa kanilang paglalahad, sinabi ng mga ito na wala namang aniya silang itinatago sa kanilang totoong pagkatao.

“Hindi naman po namin itinatangging bakla kami. Sa katunayan, ang pagiging bakla namin ang dahilan kaya kami naging creative, artistic, at nagkaroon ng skills na kailangan sa industriya,” pag amin ng dalawa ngunit itinanggi ng mga ito na may katotohanan ang mga isiniwalat nina Muhlach laban sa kanila.

Inamin ng dalawa na totoong nabalot sila ng takot kung kayat hindi dumalo sa unang pagdinig ngunit naniniwala silang magiging patas ang komite na ito ng Senado upang pakinggan ang parehong pangangatuwiran sa magkabilang panig.

“Inaamin po namin na natakot po kami na ma-subject sa media circus at premature trial. Gayundin po, natakot din po kami na baka malabag po namin ang “confidentiality” ng imbestigasyon na isinasagawa ng NBI (National Bureau of Investigation) ng nagsimula na ng mga panahong iyon at nagpapatuloy pa rin sa ngayon. Nasabihan po kasi kami na bawal po na ilabas ang lahat ng mga counter-allegations at ebidensya namin sa publiko dahil ayon sa NBI kahit ang allegasyon ng diumanoy biktima ay hindi pa rin nila maaring ilabas dahil subject pa ito sa validation ng kanilang ahensya. Lahat pa raw po ng hawak ng NBI ay hindi pa ebidensya hangga’t hindi pa naipapasa sa piskalya.”

“Subalit matapos po naming mapanood ang nakaraang pagdinig, ay nakita po namin na hindi mangyayari ang aming kinakatakutan dahil sinabi at siniguro naman po ng kagalang-galang nating Chairman Senator Robin Padilla na hindi magiging korte ang Senado kaya humihingi rin po kami ng patawad sa kagalang-galang natin na senador Jinggoy Estrada kung naunahan po kami ng takot, kaba at pangamba.” paliwanag nina Nones at Cruz sa kanilang pormal na pahayag.

Sa pangalawang pagkakataun ay hindi pa rin humarap si Sandro Muhlach kung saan ay muling sinariwa ni Nino sa komite kung paano ito halos umiiyak at nanginginig sa takot kung kayat pinayuhan muna niyang mas makabubuting magpahinga na lamang muna at huwag na dumalo bagamat gusto aniya nitong humarap sa pagdinig.

“Sa totoo lamang po. Gustong humarap ni Sandro sa pagdinig na ito ngunit hindi siya pinapayagan ng mga doktor dahil pa raw adivsable na humarap siya,” ani Nino.

Ayon naman sa hepe ng NBI Behavioral Science Division na si Robielyne Lumampao, siya na mismo ang nagsabi kay Sandro na hindi makabubuting humarap ito lalot masyado traumatize pa aniya ang bata.

“He is in trauma. Nakita namin ang symptomas ng trauma and it will exacerabte his condition if we will present him here and we don’t advise that,” ani Ms. Lumampao, Hepe ng NBI Behavioral Science Division na siya mismong nagrekomenda sa mga Muhlach.

Gayunman, pormal naman itong pinabulaanan nina Nones at Cruz kung saan ay sinabi nilang walang nangyaring pang aabuso kagaya ng mga sinasabi ni Sando at kung saan ay iginiit din nilang inosente sila sa mga nasabing akusasyon.

“Opo, kami po ang independent contractors ng GMA network na tinutukoy sa mga online posts na kumalat noong mga nakaraang araw. Subalit, Hindi po kami gumawa ng kahit anong sexual harassment or abuse laban kay Sandro Muhlach! Sa pagkakataong ito sa harap ninyong lahat, mariing itinatanggi po namin ang lahat ng mapanirang akusasyon na ito laban sa amin.”

“Kami po ay hindi executives ng GMA network. Taliwas sa sinasabi sa amin online, wala po kaming kapangyarihan o impluwensya sa network lalong-lalo na sa mga artista nito. Sinabi naman po ng GMA na hindi kami regular employee ng network. Alam po namin na konting pagkakamali na magawa namin sa produksyon ay maaaring ma-terminate ang aming kontrata at mawalan kami ng trabaho. Subalit tumagal kami sa telebisyon ng more or less 30 years, at bago ang pangyayaringito, ay malawak ang naging kontribusyon namin sa industriya ng telebisyon sa pamamagitan ng mga naiambag naming mga award-winning at top-rating television,” Nones and Cruz stated.

” Maganda po ang takbo ng aming karera. Maitatanong nyo po kami sa aming mga nakatrabaho at masasabi naman po namin na iginagalang kami at naging malinis po ang reputasyon namin sa aming mga naging employer at mga nakatrabaho. Sa itinagal tagal namin sa industriya, wala po kahit isa mang reklamo,sexual or anuman, ang nai-file laban sa amin. Kaya, hindi po namin sisirain ang iniingatan naming karera at reputasyon para makapang abuso o harass ng isang tao,Lalo na ang alam naman naming anak ng sikat na artista at maimpluwensyang pamilya.Ano ba naman ang laban naming mga ordinaryong manggagawa lamang laban sakanina?”

“Buong buhay namin ginamit namin ang pagiging baklanamin sa maayos na paraan para maitaguyod ang aming pamilya. Kaya napakasakitsa amin at sa aming pamilya na mabasa ang aming mga pangalan online na maycaption na “bakla” at kung anu-anong masasakit at mapanirang-puri na bansag at descriptions. Bakla kami, oo, pero hindi kami mga abuser. Bakla kami, oo, pero hindi kami gumagawa ng masama sa kapwa. Bakla kami, oo, at may takot kami sa Diyos. Sa huli kami rin po ay humihiling ng hustiya. Mabigyan sana ng hustiya ang malisyosong pagbibintang sa amin.

Kaya po naming mapatunayan sa piskalya o korte na wala kaming kasalanan, hintayin lang po sana natin ang proseso, ang due process.Habang hinihintay po yan, humihiling po kami sa sambayanan na wag nyo po muna kaming husgahan, ipako na parang mga convicted na criminals.”

Umapela sila kay Sandro na mas makabubuti aniyang magsabi ito ng totoo kung ano talaga ang nangyari nuong araw na iyon.

” Kay Sandro Muhlach,wala kaming ginawang masama sayo at alam mo yan! Hindi pa huli ang lahat namagsabi ng totoo.” giit nina Nones at Cruz.

Ayon naman sa abogada nilang si Atty. Maggie Garduque, lubhang naapektuhan ang dalawa at naging napakahirap at kumplikado ang epekto ng mga akusasyon sa kanyang dalawang kliyente physically at mentally at emotionally. lalot tinitira silang ng napakaraming bashers sa social media.