Sandro

Sandro may pasaring sa abogado ni Rita

November 3, 2024 Vinia Vivar 95 views

May matapang na mensahe si Sandro Muhlach kay Atty. Maggie Garduque, abogado ni Rita Daniela sa reklamong acts of lasciviousness laban kay Archie Alemania.

Si Atty. Maggie rin kasi ang abogado ng dalawang GMA independent contractors na sina Jojo Nones at Richard Cruz na inireklamo naman ni Sandro ng sexual abuse.

Sa kanyang Instagram Story ay ibinahagi ni Sandro ang video ng panayam ni Atty. Maggie kung saan ay sinasabi ng abogado na hindi madali para kay Rita na mag-come out at mag-file ng reklamo as a victim of sex assault.

“This is not easy for Rita. I mean, any woman, it’s really hard for them to come out and magsabi ng ganitong mga krimen and mag-file ng ganitong nature,” pahayag ni Atty. Marduque.

Naka-relate naman dito si Sandro at totally agree siya sa sinabi ni Atty. Marduque.

“Completely agree with you @attymaggie, mahirap talaga mag-come forward kaya victims and survivors should never be blamed or made to feel guilty for what happened to them,” ani Sandro.

Pero kasunod nito ay ang sarkastiko niyang mensahe sa abogado.

“But wow, how ironic, attorney, that now you’re standing with a victim of an assault,” he wrote.

Pagtatapos pa ng newbie actor, “Justice will prevail.”

MARIEL AT BINOE NAGPALITAN NG MGA KUNDISYON

Naniniwala si Mariel Rodriguez na mula nang maging mag-asawa sila ni Robin Padilla ay siya lang ang nag-iisang babae sa buhay ng aktor-politiko.

As we all know, sa relihiyon ni Senator Robin ay pwede siyang magpakasal sa apat na babae. Pero sa umpisa pa lang ng kanilang relasyon ay binigyan na niya ng kundisyon ang aktor.

“They really are allowed to marry four (women), but ako, may kondisyon,” sey ni Mariel sa panayam niya sa “Fast Talk with Boy Abunda.”

“Isa lang ang kundisyon ko, Tito Boy. It can only be me. ‘Yun lang. Everything else, lahat, kaya ko ‘yan lahat, no problem,” she said.

Tanong ng host na si Boy Abunda, “Did he say ‘yes’?”

Sey naman ni Mariel, “Of course, Tito Boy. And to this day, he’s working very, very hard to keep that promise.”

Si Robin din naman, nilinaw agad kay Mariel ang mga “untouchables” or hindi dapat pakialaman ni Mariel.

“Robin was very clear. He said that what mattered to him, ‘yung kumbaga, ‘yung untouchables sa kanya is ‘yung Mindanao and his children. So, never ko ‘yung ginagalaw,” saad ni Mariel.

Pina-elaborate ito sa kanya ni Kuya Boy, and she said, “The time that he gives Mindanao, everything.”

Dagdag pa niya, “Even before he was a public servant, ’yung donations niya sa Mindanao, the service, whatever. Basta hindi pwedeng pakialaman ang Mindanao. I get that.”

Asked kung happy ba siya ngayon, sagot ni Mariel, “Tito Boy, I’m very happy. I don’t think that I’ve ever been more content and this is probably one of the best times of my life, especially now that I’m 40.”

AUTHOR PROFILE