Sandoval Si dating Vice Mayor Jeannie Sandoval ang nanalo sa pagka-alkalde ng Malabon nitong Mayo 9, 2022.

Sandoval, unang babaeng mayor ng Malabon

May 10, 2022 People's Tonight 425 views

OPISYAL nang ipinroklama ng Commission on Elections (Comelec) si dating Vice Mayor Jeannie Sandoval bilang nanalong alkalde sa lungsod ng Malabon matapos nitong talunin si Councilor Enzo Oreta, kapatid ng kasalukuyang mayor na si Len Oreta.

Base sa naitalang 100% election returns, umiskor si Sandoval ng 94,826 boto (50.34%), laban kay Oreta, 93,547 boto (49.66%) o mas mataas ng 1,279 boto base sa partial and unofficial results ng Comelec.

AUTHOR PROFILE