Sandoval

Sandoval nangu­nguna sa maagang survey para kongresista ng Malabon

September 13, 2024 People's Tonight 97 views

SI Ricky Sandoval, dating kinatawan ng Malabon, ang nangunguna sa pinakabagong survey para sa darating na 2025 congressional elections. Ayon sa ‘Boses ng Bayan’ program ng RPMD Foundation Inc., nakuha ni Sandoval ang 32.7% na boto, habang pumapangalawa si dating Mayor Lenlen Oreta na may 17.5%. Si Vice Mayor Bernard Dela Cruz ay nasa 15.2%, at si dating An Waray Representative Bem Noel ay may 10.4%.

Sa kabila ng stiff competition, nagpapasalamat si Sandoval sa suporta ng mga Malabueño. “Taos-puso po akong nagpapasalamat sa lahat ng patuloy na sumusuporta sa amin ni Mayor Jeannie. Asahan ninyo na hindi namin kayo bibiguin—mas marami pa tayong magagawa at maisasakatuparan para sa Malabon at sa ating mga kababayan,” sabi niya.

Habang patuloy ang pag-angat ni Sandoval, mayroon pa ring 24.2% ng mga botante ang undecided, na maaring makapagpabago ng dynamics ng laban. Kaya naman, mahalaga ang mga susunod na hakbang ng bawat kandidato.

Ang survey ay isinagawa mula Hulyo 1 hanggang 10, 2024 sa 1,200 respondents mula sa iba’t ibang barangay ng Malabon. May margin of error itong ±3%, kaya’t reliable ang mga resulta.

Sa nalalapit na eleksyon, mas magiging exciting ang labanan sa Malabon. Pero para kay Sandoval, malinaw ang goal: patuloy na maglingkod para sa mas ikabubuti ng lungsod at mga Malabueño.

AUTHOR PROFILE