Sandara, walang naipon… bet magka-pelikula sa ‘Pinas
Inamin ni Sandara Park na sa dinami-rami ng projects na nagawa niya ay wala siyang pera dahil hindi siya nakapag-ipon.
Sinabi ito ni Dara sa latest vlog ni Luis Manzano na “Luis Listens to Sandara Park.”
Ayon sa K-pop idol at former member ng South Korean girl group na 2NE1, magastos siya kasi when it comes to clothes, bags and shoes at ang pera niya ay nauubos sa kanyang pagiging fashionista.
Na-realize niya ito lately dahil ‘yung friends at kasabayan niya rito sa Pilipinas noong time na artista siya rito ay mayayaman na.
“Lahat ng friends ko rito, hindi ba, ‘yung mga kasabay ko, mayroon silang swimming pool sa bahay, mayroon silang sariling bahay, buildings, cars, marami silang cars,” sey ni Dara.
“Pero wala akong interest sa mga house or lupa, sa cars. Ang interest ko lang, sa fashion,” dagdag niya.
Nagbubunga rin naman ang hilig niya sa fashion dahil naiimbita siya sa Paris Fashion Week at marami ang nakaka-appreciate sa kanya.
“Wala lang akong pera,” sey pa niya.
Naikumpara nga rin ni Sandara ang kinikita ng mga artista sa ‘Pinas at sa South Korea at mas malaki ang income dito.
In her case nga, kasi grupo at hati-hati sila sa talent fee plus may share rin ang kanyang management.
Pero she considers herself lucky dahil both in the Philippines and in South Korea ay pareho namang naging maganda ang kanyang career.
Ngayon daw, ang gusto niya ay magkaroon ng pelikula sa ‘Pinas dahil nga second home niya ito at hanggang ngayon ay binalik-balikan niya.
Thankful din siya sa Filipino fans na up to now ay hindi pa rin siya nakakalimutan.
“Mahal na mahal ko kayong lahat. Gusto kong magka-movie rito,” aniya.