Sandara Screenshots mula sa YouTube/Luis Manzano

Sandara kay Luis: Sintunado ka

October 4, 2023 People's Tonight 116 views

PRANGKAHANG hiniritan ng K-pop superstar at dating member ng girl group na 2NE1 na si Sandara Park ang singing skills ng TV host-actor na si Luis Manzano.

Sa latest YouTube vlog ni Luis kung saan guest ang K-pop superstar, napag-usapan nila kung bakit walang nag-iimbita sa TV host-actor na kanyang mga celebrity friends sa tuwing may concert ang mga ito.

Nauna kasi nilang pagkuwentuhan kung bakit nandito sa Pilipinas si Sandara. Sey naman ng dating member ng girlgroup na 2NE1, nandito siya para mag-guest sa concert ng isa ring K-pop idol.

“Sandy, anong meron sa Pinas? Ba’t ka nandito ngayon?” tanong ni Luis kay Sandara.

“Nag-guest ako sa concert ng friend ko. His name is Bambam from GOT7. K-pop din siya. Meron siyang concert kagabi sa Araneta,” sagot naman ng “In Or Out” singer.

“Bakit wala akong mga kaibigan na pinapa-guest ako sa mga concert nila?,” pagtatanong muli ni Luis.

Diretsahan namang sinagot ni Sandara ang tanong na iyon ni Luis.

“Sintunado ka ’di ba?” hirit niya sa TV host-actor.

Natawa na lamang ang dalawa sa binitawang salita ni Sandara.

Ani pa nga ni Luis na lalaitin lang daw siya agad ni Sandara matapos silang matagal na hindi nagkita.

AUTHOR PROFILE