Santos Si Lolo Pedro Santos, 101 taong gulang, ay tumanggap ng P100,000 ‘centenarian gift’ mula sa pamahalaang nasyonal, katuwang ang San Jose City local chief executives. Larawa mula sa SJC LGU

San Jose City ‘oldest’ senior citizen, tumanggap ng P100K cash gift

May 19, 2023 Steve A. Gosuico 205 views

SAN JOSE CITY – Opisyal nang iginawad ng pamahalaang lungsod dito sa pamumuno ni city mayor Mario “Kokoy” Salvador at ng regional office ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang P100,000 “centenarian gift” sa isang 101-anyos na residente nitong Miyerkules dito.

Ang “centenarian gift” ay tumutukoy sa P100,000 tax-free cash benefit na ibinigay sa centenarian ng pambansang pamahalaan sa ilalim ng kasulukuyang administrasyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at sa pamamagitan ng DSWD.

Sa ilalim ng Republic Act (RA) 10868 o ang Centenarians Act of 2016, ito ay isang batas na “nagpaparangal at nagbibigay ng karagdagang benepisyo at pribilehiyo sa mga Filipino centenarians para sa kanilang mahalagang kontribusyon bilang isang senior citizen sa bansa.”

Kasama ng alkalde si Vice Mayor Alexis “Ali” Salvador at Office of Senior Citizens Affairs (OSCA) Chairman Cornelio Catalan Sr. sa pagkakaloob ng “centenarian gift” kay Lolo Santos Pedro, ng Barangay Calaocan.

Bukod sa P100,000 cash gift, nakatanggap din si Lolo Santos ng certificate at letter of felicitation mula kay Pangulong Marcos Jr. bilang pagbati at pagkilala.

Noong Agosto 2022, pinapurihan din ng pamahalaang lungsod si Lolo Santos at binigyan ng cash gift na nagkakahalaga ng P20,000 dahil sa pagiging isa sa mga “oldest living citizens” sa pagdiriwang ng San Jose City foundation day.

AUTHOR PROFILE