Lalaban

Samahan ng mga palaban

August 6, 2021 People's Tonight 573 views

MARAMI sa mga Pilipino ang nabago ang pamumuhay dala ng pandemic lalo na pagdating sa trabaho ng mga karpintero, mangingisda at mga eksperto sa konstruksyon. Pero bilang mga mandirigma ng buhay, palagi tayong nakahahanap ng rason para bumangon para ipakita na sa anumang hamon, handa tayong lumaban ng may puso at tapang.

Sa pandemic na ito sinubok ang ating mga abilidad. Higit pa roon, dito rin nalaman ng karamihan na kailangan lagi ng kasangga sa pagharap sa mga hamon ng buhay at mga kakampi na patuloy tayong sasamahan kahit sa pangkabuhayan.

Kaya nama’y dito pinapakilala ng Bostik Philippines ang Epoxy Range o ang Samahan ng Palaban na magsisilbing mga kasangga ng ating mga manggagawang Pilipino. Ang samahang ito ay may layuning ipakita kung gaano katibay, kakapit, at katatag ang bawat isa kaya naman sila’y tunay na palaban saaan man sulok ng Pilipinas.

Kabilang dito ang Bostik Epoxy El Heneral na kadalasang ginagamit sa mga woodworks, glass, ceramic, at porcelain dahil ito’y may excellent bonding properties na siguradong magdidikit at mag-aayos ng ganitong klaseng materyales. Maliban dito, ang El Heneral ay pinapatibay rin ang mga surfaces mula sa cracking at iba’t-ibang chemicals na puwedeng makasira sa mga ito.

Sumunod naman sa Samahan ng Palaban ay ang Bostik El Kapitan na magsisilbing kasangga ng mga Pilipinong mangingisda sa kanilang paglayag at pagsulong sa mga alon. Ang Bostik El Kapitan ay makapit na Marine Epoxy na kadalasang ginagamit para sa mga bangka na pangmatagalan ang pagpalaot upang makarami ng huli ang mga mangingisda.

At pangatlo sa Samahan ng Palaban ay ang Bostik El Supremo na kasangga ng mga matatag na eksperto sa konstruksyon. Ang Bostik El Supremo ay ginagamit ng mga eksperto kagaya ng architect at engineer sa pang heavy duty na mga materyales dahil alam nila kung gaano kahirap at kaselan ang pagtayo ng isang establisyemento.

Mula ngayon, siguradong pangmatagalan ang mga maitatayo ng ating mga eksperto dahil meron silang kakampi at kasama sa kahit anong hamon ng buhay.

Marahil, kalakip na ng mga mabubuting nangyayari sa ating buhay ang mga hindi natin ninanais. Ito ay isang katotohanang dapat nating tanggapin. Pero tulad nga ng Bostik Epoxy, kung meron man dapat tayong matutunan sa lahat ng mga napagdaanan natin, yun ay maging palaban at magka-isa sa anumang kinakaharap na problema.

AUTHOR PROFILE