Reisam

Sam, mananatiling Kapamilya kahit inalok lumipat ng Kapuso

October 30, 2022 Vinia Vivar 134 views

Mananatiling Kapamilya si Sam Milby at hanggat’t maari ay hindi niya iiwanan ang network na pinagsimulan niya and which made him who he is today.

Ito ang kinumpirma ng aktor nang makatsikahan namin sa kanyang official launch bilang bagong ambassador ng Beautederm last Saturday.

“Hangga’t kaya, I would not want to leave. Because ABS was the one who made me what I am and appreciate and love, you know, everything they’ve done for me,” pahayag ni Sam.

Aniya, malaki ang utang na loob niya sa kanyang home network kung saan siya unang napanood bilang housemate sa Pinoy Big Brother noong 2005.

“They’ve guided me, they’ve given me all the projects, they’ve changed, you know, my life. And as long as I can stay with them, as long as they need me, I will stay,” deklara niya.

Napabalitang nagkaroon ng offer sa kanya ang GMA-7 at nagpatulong na si Sam sa kanyang handler na si Caress Caballero ng Cornerstone para sagutin ito dahil ang management niya na ang higit na nakakaalam.

Ayon naman kay Caress, hindi umabot sa negotiation at hanggang offer lang ang lahat dahil nga may kontrata pa si Sam sa ABS-CBN.

“May commitment pa po kami sa kabila, medyo matagal pa po kaming Kapamilya,” sabi ni Caress.

Hindi raw komo walang prangkisa ngayon ang ABS-CBN ay iiwanan na niya. Hangga’t kailangan daw siya ng network ay mananatili siyang Kapamilya.

“Kawawa ang ABS ngayon, you know, walang prangkisa, then hindi rin natuloy ‘yung partnership with TV5 which I thought would have been a big help and boost for ABS.

“But, you know, ABS is surviving, they’re putting out great projects and I think that’s one thing about ABS. You can be assured na ‘yung proyekto na nilalabas nila is maganda,” ani Sam.

Samantala, thankful ang aktor/singer na napili siya ng Beautederm para maging brand ambassador ng bagong set ng health essential products, ang Beautéderm Health Boosters Effervescent Tablets.

Ayon kay Sam ay tamang-tama sa kanya ang mga produkto at sey pa niya, “Hard to accept but I’m in that sense, an aging actor, so these are products that can definitely help me, uh… yeah, have the same energy, anti-aging, it’s everything that I need also.”

Actually, Sam looks younger than his age (38) at fresh na fresh nga siya sa nasabing media launch.

Sey ng Beautéderm president/CEO na si Rhea Anicoche-Tan si Sam ang best choice niya upang kumatawan sa pinakabagong mga produkto sa ilalim ng Beautéderm Health Boosters.

“The line-up of Beautéderm’s A-list brand ambassadors could never be complete without Sam. I have always admired his body of work at happy na ma-discover na ang saya at ang gaan pala niyang katrabaho,” ayon kay Rhea.

“Dapat gayahin ang lifestyle ni Sam dahil sa kanyang disiplina at professionalism. He lives a balanced and healthy life which makes him the perfect artist to represent Beautéderm Health Boosters Effervescent Tablets.”

Ang Beautéderm Health Boosters Effervescent Tablets ay may tatlong bagong produkto na developed at manufactured sa Japan: Ang Reiko ShiroSan na isang first-grade dietary supplement; Kenzen YasaiDes, a dietary superfood supplement na mayroong Vitamin E at tomato extract; at Kenzen MizuPlus, also a dietary supplement with Green Tea extract at magnesium naman.

Available na bukas, November 1, ang nasabing mga bagong produkto sa inyong Beautederm dealers.

AUTHOR PROFILE