Crime Sinisiyasat nina P/Lt.Col.Dionelle Brannon ng MPD Station 5 at kagawad ng Scene Of Crime Operatives ang nakitang bangkay. Kuha ni JON-JON REYES

‘Salvage victim’ natagpuan sa U.N. Ave.

March 31, 2022 Jonjon Reyes 858 views

MASANGSANG na amoy ang naging susi para matagpuan ang isang di pa nakikilalang lalaki na nakabalot pa sa garbage bag nang matagpuan sa gilid ng tulay sa Ermita, Manila, Huwebes ng hapon.

Batay sa ulat ni P/ Lt.Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District- Homicide Section , bandang 3 p.m.pasado nang mangamoy ang bangkay sa gilid ng Unilever Phillipines sa Paco, Manila.

Isa umanong lady guard ng nasabing kompanya ang nakadiskubre sa bangkay.

Inakala nito na isang patay na hayop lamang ang nakabalot nang kulay asul na tela, subalit nang bulatlatin ang sako tumambad ang bangkay na hinihinalang may apat hanggang limang araw nang patay.

Agad nagtungk si P/ Lt.Col. Dionelle Brannon , Commender ng Station 5 at ipinagbigay alam sa MPD – Homicide Section ang insidente. Nina JON-JON REYES & C.J. ALIÑO

AUTHOR PROFILE