Default Thumbnail

Sales boy nagbigti sa Tondo

August 2, 2022 Jonjon Reyes 284 views

DAHIL sa “depresyon” diumano ang ginawang pagpapakamatay ng isang 19-anyos na sales boy, makaraang matagpuan ito ng kanyang lola sa ikalawang palapag ng kanilang bahay sa Tondo, Maynila, Linggo ng hapon.
Naisugod pa sa Gat. Andres Bonifacio Memorial Medical Center ang biktima subalit dakong 5:02 ng madaling araw ay binawian ng buhay.

Ang biktima ay pawang nakatira sa Mabagos St., Tondo, Maynila.

Base sa ulat ni P/Lt. Adonis Aguila, hepe ng Manila Police District (MPD) Homicide Section, bandang 8:30 ng gabi nang madiskubreng nakabitin ang leeg nito sa kanilang kisame sa ikalawang palapag ng tirahan nito.

Ayon sa imbestigasyon, umuwi sa bahay ang biktima bandang 7:15 ng gabi at saka nagtungo ito sa malapit na computer shop.

Hanggang sa bumalik na ito ng bahay at nagtuloy-tuloy na umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.

Makaraang saglit, dito na siya nakita ng kanyang lola at humingi ito ng tulong at saka ito isinugod sa naturang ospital at kalaunan ay binawian din ng buhay.

AUTHOR PROFILE