Salceda, tiniyak ang mababang buwis (1%) para sa mga pribadong paaralan
Tiniyak ni House Ways and Means chairman Joey Sarte Salceda (Albay, ika-2 distrito) nitong Miyerkoles ang mababang buwis na 1% lamang para sa mga pribadong paaralang kumikita, mula Hulyo 1, 2021 hanggang 2023 sa ilalim ng bagong batas na Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act.
Ayon kay Salceda, nakuha na niya ang pangakong suporta ng BIR (Bureau of Internal Revenue) sa paglinaw at pagtugma sa malabo at hindi pagkakatugma na mga probisyon kaugnay sa buwis ng ilang batas, Lumikha ito ng mainit na usapin dahil sa bagong “Revenue Regulations Series of 2021” ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na nagtaas sa buwis ng mga pribadong paaralan batay sa 2018 desisyon ng Korte Suprema.
Sa ilalim ng CREATE, agarang ibinaba sa 25% mula 30% ang buwis ng mga korporasyon, at patuloy itong ibababa pa sa 20% sa 2030. Binawasan din nito sa 1% ang buwis sa mga pribadong paaralan. Gatunman, sa ilalim ng BIR RR S.2921 ‘guidelines,’ tinataasan ang buwis ng naturang mga paaralan, kaya nagrereklamo ang ‘Coordinating Council of Private Educational Associations of the Philippines’ (COCOPEA), ang samahan ng mga pribadong paaralan sa bansa.
Kaugnay nito, hiningi ng COCOPEA ang tulong ni Salceda sa naturang isyu. Umapela rin sila kay Pangulong Duterte na gawing “magkakatugma ang mga batas sa buwis ng bansa at dapat naaayon ang mga ito sa pananaw niya at ng Saligang Batas na tiyaking mailapit sa makabuluhang edukasyon ang lahat ng Pilipino.”
Bilang tugon, nakipagpulong kamakailan si Salceda sa matataas na opisyal ng BIR at Department of Finance (DoF) upang maiwasto ang hindi pagkakatugma ng ilang batas sa buwis. Sinabi niyang nangako naman ng suporta at pakikipagtulungan ang BIR na ayon sa kanilang paliwanag ay sadyang pwersado lamang silang ipatupad ang hatol ng Korte Suprema.
Tiniyak ni Salceda pagkatapos ng pulong na 1% lamang ang buwis na babayaran ng mga pribadong paaralan hanggang 2023 ayon sa napagkasunduan nila. “Sana makatulong din ito sa mga paaralang pampamahalaan na mapanatili nila ang kanilang mga guro at humirang pa ng iba habang sumusulong ang ating ekonomiya,” dagdag niya.
Ayon sa mambabatas, magtatrabaho ang kanilang komite kahit na walang sesyon ang Kamara upang talakayin ang mga panukalang pagtutugma sa mga batas sa buwis na hindi magkakatugma upang kaagad itong maipasa sa Senado pagbalik ng sesyon ng lehislatura.
“Nagkakaisa kami sa Kamara na maisaayos ang isyung ito dahil alam namin na hindi masusustinihan ng gubiyerno ang lahat na kailangan ng mga pribadong pamahalaan. Mananatili pa rin ang mga makatwirang hindi pwede, at kailangang mula lamang sa pagtuturo ang kita nila, Halimbawa kung kumikita sila sa o kaya lumersiyo, dapat hindi ito lampas sa kita nila sa edukasyon,” paliwanag niya.
“Sa bandang huli, batay sa prinsipyo na kimikilqla ng estado at ng Konstitusiyom ang sadyang kahalagahan ng edukasyon sa bansa, hindi dapat sobrang pabigatan ng buwis ang mga pribadong paaralan,” pahuling pahayag ni Salceda.