Andrea

Sakit sa pang-amoy ni Andrea, naungkat

July 24, 2023 Vinia Vivar 339 views

Naungkat ang pagkakaroon ng congenital anosmia ni Andrea Brillantes dahil sa naging pahayag niya na isang taong hindi nagpapa-laundry ang kanyang ex-boyfriend.

Ayon sa isang health website, “Congenital anosmia is a condition in which people are born with a lifelong inability to smell. It may occur as an isolated abnormality (no additional symptoms) or be associated with a specific genetic disorder (such as Kallmann syndrome or congenital insensitivity to pain).”

Matatandaan na sa isang panayam ni Karen Davila kay Andrea ay inamin ng aktres na wala siyang pang-amoy.

“Wala po akong pang-amoy at all. Wala po talaga, as in puwede po akong ututan sa mukha,” pag-amin ni Andrea.

“Kasi inututan ako ni Daddy dati. Silang lahat, hinintay nila ang reaction ko. Doon ko na-realize, hala, may mali ba sa akin?

“Kulang pa rin po ako ng five senses ko, as in kulang pa rin. Saka hindi ko pa rin na-experience ‘yung world kung paano niyo siya nai-experience.

“Ang meron lang ako, sensation, kapag ‘yung rubbing alcohol ‘yung parang lalamig. ‘Yun lang, ‘yung mga cooling-cooling. Pero amoy po, wala talaga. Wala po talaga akong memory ng kahit na anong amoy,” sey pa ng aktres.

Dahil dito, hindi na nagtataka ang netizens kung paano natiis ni Andrea ang amoy ng ex-BF na hinihinala nilang si Ricci Rivero.

“Kaya pala natiis ni Andrea yung baho ni Ricci kasi meron pala siyang anosmia,” tweet ng isang netizen.

“Omg i remember meron nga sya non. it now makes sense hahahaha,” sagot naman ng isa pang Twitter user.

Sa latest vlog ni Andrea kung saan guest niya si Vice Ganda ay napag-usapan din nila ang medical condition na ito ng aktres.

Naitanong sa kanya ni Vice kung ano ang pakiramdam ng walang pang-amoy at sey ni Blythe, “Iniyak ko na ‘yun dati, eh. Kasi sabi raw wala ‘tong cure. Siyempre parang malungkot, parang hindi complete ‘yung life experience ko. Hindi ko maamoy ‘yung mga nakikita kong artista.”

AUTHOR PROFILE