Default Thumbnail

Safety seal nakamit ng SM City Baliwag at SM City Marilao

May 17, 2021 Marlon Purification 604 views

KUNG pagbabatayan ang mga naglalabasang datus, kumokonti naman kahit papano ang naitatalang COVID-19 cases kada araw habang iba’t ibang panibagong variants naman ang nadidiskubre sa bansa.

Iyong iba sa atin ay mataas pa rin ang ‘anxiety’ o pangamba likha ng pandemya, ngunit ang iba naman ay halos nakasanayan na ang tinatawag na ‘new normal.’

Hindi maaaring magkulong lang ng magkulong tayo sa bahay lalo na ang mga taong kailangan magtrabaho para sa ating pamilya.

Dahil dito, marami sa mga kababayan natin ang nagiging mapili rin sa mga lugar na kanilang pupuntahan upang kahit paano ay mabawasan ang pangamba sa pagkahawa.

Ito naman ang isa sa pinakaunang konsiderasyon ng SM partikular ang kanilang branches sa Marilao at Baliwag sa Bulacan.

Kaya malaking bagay sa SM City Marilao at SM City Baliwag ang pagkakasungkit nila ng Official Safety Seal.

“The safety seal is everything to us because it affirms our commitment to safe malling and our strict compliance to safety and health protocols set by the government,”pahayag ni SM City Marilao Assistant Mall Manager Engr. Janette Aguilera.

Batay sa pagpapaliwanag ni Marilao Municipal Administrator Wilfredo Diaz, ang PH’s Safety Seal ay ibinibigay sa mga gusali at estabilisiyimento na sumusunod sa Minimum Public Health Standards (MPHS), kabilang na ang pagkakaroon at paggamit ng accredited contact tracing app.

Idinagdag ng opisyal na bahagi ito ng aksyon ng gobyerno para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Sinabi naman ni Marilao Licensing Officer Martin Armando Cruz, ang PH’s Safety Seal certification program ay Joint Memorandum Circular 21-01 (JMC 21-01) na nilagdaan ng Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Tourism (DOT), Department of Labor and Employment (DOLE) at Department of Health (DOH).

Kasama rin sa tinitignan sa Safety Seal Program ang health declaration at non-contact temperature check sa lahat ng mga pumapasok sa establishments, paggamit ng accredited contact tracing app/system, pagkakaroon ng handwashing stations at sanitizers, pagsunod sa physical distancing at maayos na ventilation sa enclosed areas.

Kailangan ding nasuusnod ang polisiya sa pagsusuot ng facemask at faceshields gayundin ang regular disinfection at sanitation ng high-touch surfaces.

Matapos naman ang masusing onsite assessment at evaluation, iginawad ang safety seal tags sa SM City Marilao at SM City Baliwag.

Ang pagpili ay ginawa ng mga kinatawan ng Local Government and Business Permit and Licensing Offices (BPLO) ng bawat lokal na pamahalaan.

“We are happy that all our efforts were recognized. With the “Safety Seal”, we hope to increase people’s confidence in visiting our malls as health, safety, and well-being of our shoppers and employees always remain to be our top priority,” saad ni SM City Baliwag Mall Manager Rodora Tolentino.

Ang SM malls sa Marilao at Baliwag ang unang mga nakatanggap ng Safety Seal sa lalawigan ng Bulacan.

Una na ring nanawagan ang mga miyembro ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa mga consumer na tangkilikin ang mga business establishments na may Safety Seals.

Kung lahat ng establishment ay sumusunod sa mga practice ng SM City Baliwag at Marilao, matitiyak natin na mapapayagan na ang mas maluwag pang pagbubukas ng ekonomiya kasabay ng paniniguro na mapapangalaan ang kalusugan ng taumbayan.

Simula nang manalanta ang pandemya, ang SM management – bagaman isa rin sila sa tinamaan ng pagbagsak ng benta – ay hindi nagdamot sa pagbibigay ng ayuda sa ating mga kababayan, labas pa ang tinatawag na Corporate Social Responsibility.

Ang pagkakasungkit sa Safety Seal ay patunay na hindi lamang sila nakukuntento sa tinatawag na CSR, kundi matindi rin ang pagkilala nila sa obligasyong moral ng kani-kanilang customer at LGU na nakasasakop sa kanilang establisimento.

Kahanga-hanga na inuuna rin ng SM ang kaligtasan ng kani-kanilang customer na malaking ambag upang kahit papano’y maiwasan ang pagkalat pang lalo ng COVID-19.

Dahil dito, hindi lang congratulations ang dapat ibigay sa SM City Baliwag at Marilao, kundi dapat din natin silang pasalamatan, higit lalo ang mismong bumubuo na nakasasakop sa naturang establisimento.

Muli, congrattulations po and thank you very much, SM City Baliwag at Marilao.

Opinion

SHOW ALL

Calendar