Sa pagpasok ni Mr. M sa GMA marami ang mababago

July 14, 2021 Aster Amoyo 653 views

NGAYONG nasa bakuran na ng GMA ang veteran TV director at co-founder at dating head ng Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN na si Johnny Manahan na mas kilala as Mr. M bilang network consultant, tiyak na maraming changes ang mangyayari sa talent management at development ng Kapuso network, ang GMA Artists Center (GMAAC). There might also be a big possibility na sa kanya na ipamahala ang Sunday musical variety show ng GMA, ang “All Out Sundays” na siyang katapat ng “ASAP Natin `To,” the longest-running musical variety show ng ABS-CBN which he originally directed until after his resignation from the program and ABS-CBN nung nakaraang taon.

Wala pang nababanggit kung kasama ni Mr. M ang kanyang longtime partner na si Mariole Alberto sa pagiging bahagi ng Kapuso network. Si Mariole ang pangalawa na naging head ng Star Magic before her resignation which took effect nung December 31, 2020.

Samantala, pinabulaanan ni Mr. M. na may kinalaman siya sa paglipat sa Kapuso network ng isa sa prized talents ng ABS-CBN na si Bea Alonzo along with other talents from ABS-CBN.

Idea rin ni Mr. M ang taunang Star Magic Ball na naging ABS-CBN Ball na nahinto lamang dahil sa pandemya. Isa itong taunang star-studded event participated in by Star Magic and ABS-CBN stars and talents. Kapag okey na ang sitwasyon, tiyak na gagawin din niya ito sa GMA Artists Center talents.

Ang Star Magic na iniwan nina Mr. M at Mariole ay pinamamahalaan ngayon ng director at isa sa executives ng ABS-CBN na si Laurenti Dyogi.

Celia nagpaalam na

Celia Diaz-Laurel

PUMANAW na ang stage and theater icon at misis ng yumaong dating Vice President ng Pilipinas na si Salvador `Doy’ Laurel na si Celia Diaz-Laurel nung Lunes, July 12 sa ganap na ika-8:30 ng gabi sa edad na 93.

Si Celia ay kilala rin bilang ina ng dalawang kilalang showbiz personalities, ang magkapatid na sina Victor `Cocoy’ Laurel at Iwi Laurel. Ang iba pa niyang anak ay sina Suzie, Lynnie, David and Larry.

Si Celia ay kilala bilang actress at costume designer ng Repertory Philippines at patron of the arts.

On Celia’s 93rd birthday last May ay inilabas ang kanyang memoirs book na pinamagatang “My Lives Behind the Proscenium” which was edited by two of her children na sina Suzie at Cocoy.

Si Celia ay ipinanganak sa Talisay, Negros Occidental. Nasa elementary grade pa lamang siya noon sa Assumption College in Manila ay naipamalas na niya ang kanyang interest sa acting na kanyang dala-dala even after college. Siya’y nagtapos ng Fine Arts sa University of the Philippines.

Ang mga labi ni Celia ay na-cremate na sa Heritage Memorial Park in Taguig City na sinundan ng wake sa Laurel Residence. Ang inurnment ay sa Santuario de San Antonio in Forbes Park, Makati City.

Gina oldest Tiktokerist at 71

Gina Pareno
Gina Pareno

ANG 71-year-old award-winning veteran actress at oldest Filipino TikToker na si Gina Pareno started her career as one of the stars of the `60s ng Sampaguita Pictures. But it was during the later part of her career nang maging sunud-sunod ang panalo niya ng acting awards mula sa iba’t ibang award-giving bodies hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Ang 2006 Metro Manila Film Festival movie na “Kasal, Kasali, Kasalo” mula sa panulat at direksiyon ni Jose Javier Reyes at pinagbidahan ng mag-asawang Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ay nakapagbigay ng tatlong Best Supporting Actress awards kay Gina mula sa Star Awards for Movies, Gawad Urian at Luna Awards. Habang ang dalawa niyang indie movies na “Serbis” at “Kubrador” ay nakapagbigay din sa kanya ng iba’t ibang international awards bilang Best Actress at Best Supporting Award mula sa iba’t ibang international film festivals na nagsisilbi niyang inspirasyon para maipagpatuloy pa niya ang kanyang career bilang isang mahusay na aktres.

Aminado si Gina na ang mga naging karanasan niya sa buhay ay nakatulong din ng malaki sa kanya bilang aktres.

“Marami akong pinaghuhugutan,” nakangiti niyang pahayag.

Nang magsimula ang lockdown nung March 2020 dahil sa Covid-19 coronavirus, nagsimulang ma-bore si Gina dahil nasa loob lamang siya ng bahay. Dahil wala siyang magawa, sinabayan niya ang kanyang apo na mag-TikTok at nang ito’y i-upload ay agad itong nag-viral. Ito ang naging dahilan kung bakit ginanahan si Gina na mag-TikTok hanggang ngayon hindi lamang dahil nagi-enjoy siyang gawin ito kundi ito na rin ang kanyang link sa kanyang mga followers.

Si Gina ay huling napanood sa pelikulang “Tililing” streamed on Vivamax recently.

Tony dapat matuto ng leksyon

 

Tony Labrusca
Tony Labrusca

AMERICAN-born Filipino singer-actor Tony Labrusca should take lessons from his two major incidents na kinasangkutan–one at the airport immigration nung January 3, 2019 at sa party ng isang kaibigan nung nakaraang January 2021 na nauwi sa demandahan. He is young and a good actor pero hindi ito basehan para maging mainitin ang ulo lalupa’t isa na siyang kilalang personalidad. Siya’y anak ng actor na si Boom Labrusca na mister naman ngayon ng aktres na si Desiree del Valle.

Si Tony ay napansin nang husto nang kanyang gawin ang digital movie na “Glorious” with Angel Aquino in 2019. Siya’y huling napanood sa isa pang digital film na “Hello Stanger: The Movie” recently.

Tony is turning 26 sa darating na August 7.

Yam at JM nagpakita ng husay

Yam Concepcion and JM de Guzman
Yam Concepcion and JM de Guzman

MAITUTURING na best performance ever ng dalawang lead star ng ongoing primetime TV series na “Init sa Magdamag” na sina Yam Concepcion at JM de Guzman ang episode na napanood last Tuesday, July 13, ang confrontation nina Rita Macatangany-Alvarez (Yam) at Peterson (JM). Napakagaling nila pareho sa mga eksenang kanilang ipinamalas laluna na si JM na napakahusay bilang isang deranged husband na puno ng insecurity at pagseselos na merong ugnayan ang kanyang asawa sa doctor na si Tupe Salcedo (Gerald Anderson) na dating nobyo ni Rita at sperm donor sa ipinagbubuntis ngayon ni Rita.

In fairness to JM, napaka-consistent niya sa kanyang husay bilang si Peterson Alvarez sa nasabing serye.

In all the TV series na tinampukan ni JM, dito siya lumutang nang husto sa kanyang bida-contravida role. Although nagpakita na husay sa kanyang role in “Halik” drama series, mas mahusay siya as Rita Alvarez, her first lead role sa “Init sa Magdamag”. Hindi naman siyempre nagpapahuli si Doc Tupe (Gerald), ang true love ni Rita.

Ang confrontation scene nina Rita at Peterson last Tuesday ay nag-trending sa Twitter. Ang “Init sa Magdamag” ay isa sa mga most followed TV series sa Kapamilya Channel.

Samantala, marami ang nagsasabi na naging blessing in-disguise ang role ni Yam sa “Init sa Magdamag” which was originally intended for Maja Salvador who opted to leave ABS-CBN nang ito’y mawalan ng prangkisa may isang taon na rin ang nakaraan.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTalkWithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE