Julia

Sa pagpasok ni Julia tuloy pa rin ang Ang Probinsyano

August 10, 2021 Aster Amoyo 659 views

IT was on September 28, 2015 nang simulan ang TV adaptation ng classic action-drama movie ng action and movie king na si Fernando Poe, Jr. ang “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbibidahan ni Coco Martin na siya ring tumatayong creative director at co-director ng serye. Sa susunod na buwan ay ise-celebrate ng naturang action-drama series ang kanilang ika-6 na taon sa ere.

Maraming beses nang napabalita ang pagtatapos diumano ang serye pero hanggang ngayon ay patuloy pa rin itong napapanood making it the top-rating and long-running action-drama series na mukhang malayo pang magtapos dahil simula sa susunod na buwan ay mapapanood na ang bagong characters na pangungunahan mismo na ng rumored girlfriend ni Coco na si Julia Montes. Ang iba pang bagong characters ay gagampanan nina Joseph Marco, Tommy Abuel, Rosanna Roces, Vangie Labalan, Marela Torre, Michael Flores, Chai Fonacier at Elora Espano. Sa pagpasok ng bagong cast, ilan din sa present cast ang mawawala tulad nina Jane de leon, Christian Vasquez, Cristina Gonzales at iba pa. Pinatay na rin ang character na ginampanan ni Aya Fernandez as Dr. Audrey Mante, ang nakatatandang kapatid ni Captain Lia Amante played by Jane de Leon na kailangan nang magpaalam sa serye dahil sisimulan na niya ang taping ng kanyang bagong TV series, ang classic heroine na “Darna”.

Mukhang mapapasabak si Julia sa mga action scenes sa “FPJ’s Ang Probinsyano” kaya todo ang kanyang training hindi lamang sa fight scenes and stunts kundi maging ang pagpapatakbo ng motorcycle at pakikipag-barilan.

“FPJ’s Ang Probinsyano” marks as the reunion project nina Coco at Julia sa telebisyon na huling napanood in 2015 sa pamamagitan ng mini series na “Wansapanataym Presents; Yamashita Treasures” kung saan din nila nakasama ang childstar na si Alonzo Muhlach. Ito’y bilang pagbibigay na rin sa request ng kanilang mga fans na i-guest ni Coco si Julia sa kanyang hit TV series.

Ang napansin lamang ng mga taga-subaybay ng “FPJ’s Ang Probinsiyano” na lahat ng mga babaeng na-link sa character ni Coco as Cardo Dalisay ay namamatay.

Samantala, sa pagpasok ni Julia at iba pang bagong characters ng “FPJ’s Ang Probinsyano,” mukhang malayo pa ang itatakbo ng serye kaya malayo pa itong matapos.

Kier nalulungkot sa sitwasyon nila ni Dani

KierNALULUNGKOT man ang actor na si Kier Legaspi dahil hindi pa rin sila ayos ng kanyang anak kay Marjorie Barretto na si Dani Barretto (Aynrand Danielle Barretto-Panlilio) umaasa pa rin siya na balang araw ay magkakaayos din silang mag-ama lalupa’t isa na rin itong ganap na ina sa kanyang almost two-year-old daughter na si Millie.

Hindi ikinakaila ni Kier na sabik din siyang makita at makarga ang kanyang unang apo at maging maayos ang kanilang relasyon ng kanyang anak na si Dani at makilala ang mister nilang si Xavi Panlilio.

At 28, may sariling pag-iisip at paninindigan na rin si Dani at kung bibigyan lamang niya ng pagkakataon na makapag-usap silang mag-ama nang masinsinan ay mare-resolba nila ang kanilang problema at gap na mag-ama.

“In God’s time, naniniwala ako na magiging maayos kami ni Dani,” pahayag ni Kier who is living happily with his ever-supportive and non-showbiz wife na si Jen Corpuz-Legaspi in a posh subdivision in Quezon City.

Dominic at Bea open na

beaMASAYANG-masaya ang Kapamilya actor na si Dominic Roque dahil nagkaroon siya at ang kanyang girlfriend na si Bea Alonzo ng pagkakataon na madalaw sa San Francisco, California ang kanyang tiyahing actress na si Beth Tamayo at husband nitong si Adam Hutchinson last month. Unang nagkita-kita sila ng kanyang tita sa baby shower ng kanilang magiging first baby ni Adam.

Dalawang beses din silang nag-dinner ni Bea sa bahay nina Beth at Adam kaya kahit papaano ay nagkaroon na rin ng bonding moment si Bea with Dominic’s aunt and her husband.

Nakabalik na sa bansa sina Dominic at Bea at tinatapos na lamang nila ang ten-day quarantine bago sila makauwi sa kanilang mga bahay.

Naging open na ang relasyon sa publiko ng dalawa during their month-long vacation sa Amerika.

Thirty one si Dominic at 33 naman si Bea turning 34 on October 17. Bea had a controversial separation from his last boyfriend, ang actor na si Gerald Anderson dahil sa girlfriend nito ngayon na si Julia Barretto.

Roger umaasang magkakaanak pa si Cher

NAG-ASAWA na rin sa wakas ang kaisa-isang anak ng dating Sampaguita matinee idol na si Roger Calvin, ang New York-born and raised na si Cher Calvin who turned 47 last August 1. Si Cher ay nagtapos ng Journalism sa New York University.

Si Cher ay ang award-winning TV news anchor ng KTLA in Los Angeles, California. Siya’y ikinasal sa kanyang longtime US-born Korean-Japanese husband na si Aki Oshima na isang banker na ginanap sa Beverly Hills Hotel in Los Angeles, California nung nakaraang linggo, August 8 attended by their respective families and close friends. The couple met in 2016 and got engaged nung December 19, 2020. They were planning to get married in Paris, France pero dahil sa pandemic ay nag-desisyon ang couple na sa L.A. na lamang magpakasal in the presence of their respective families and friends. After their wedding ay lumipad ang bagong kasal sa Kawaii, isang island ng Hawaii for their honeymoon.

Cher lost her mother, Dr. Delia Santos-Calvin in 1994 due to cancer.

Although 47 na si Cher, umaasa pa rin ang kanyang amang si Roger na mabibiyaan pa rin siya ng apo lalupa’t only child lamang ang una at mag-isa na ring namumuhay si Roger na pabalik-balik na lamang ng New York, L.A. at Pilipinas.

Cher husband Aki was born and raised in Palisades in L.A.

“He’s a fine man,” ani Roger na masayang-masaya para sa kanyang anak na si Cher.

“The party went well last Sunday evening,” patuloy pa ni Roger who is currently in L.A. to attend his daughter’s wedding to Aki.

Bukod sa kanyang pag-aaring condo unit in New York and in L.A., si Roger ay may sarili ring condo unit in Mandaluyong and mainstains an ancentral house in Pampanga.

Rose Van tuluy-tuloy ang career

THANKFUL ang Viva sexy actress na si Rose Van Ginkel na kahit nung 2014 pa siya nagsimula sa kanyang showbiz career ay tuluy-tuloy naman ang kanyang paggawa ng movie sa kanyang home studio, ang Viva. Katunayan, sa taong ito ay pang-apat na niya ang pelikulang sexy-comedy movie na “69 Plus 1” na tinatampukan nila ng singer-actor-comedian na si Janno Gibbs at ang sexy star na si Maui Taylor mula sa panulat at direksiyon ng controversial director na si Darryl Yap.

Kasama si Rose Van sa hit sexy movie na “Paglaki Ko Gusto Ko Maging Pornstar” na sinundan ng “Gluta” ni Ella Cruz at “Revirginized” ng megstar na si Sharon Cuneta now streaming on Vivamax at iba pang digital platforms. Soon ay muli siyang mapapanood sa panibagong Darryl Yap movie na “69 Plus 1”.

Si Rose Van ay dating miyembro ng Phililippine National Team sa swimming category bago siya napasok sa showbiz at nakapanabayan niya sina Nadine Lustre, James Reid, Yassi Pressman at iba pang Viva talents. Kasama rin siya sa pelikulang “Diary ng Panget,” “Talk Back and You’re Dead,” “Chain Mail,” “Para Sa Hopeless Romantic,” “100 Tula Para Kay Estela,” “The Girl Allergic to Wi-Fi” at iba pa.

Matapos makatrabaho ni Rose Van si Direk Daryll sa “Paglaki Ko Gusto Kong Maging Pornstar” ay nakagawa na sila ng apat ng pelikula na ang pinaka-latest ay itong “69 Plus 1” with Janno at Maui streaming on Vivamax at sa iba pang digital platforms simula on September 3.

Sharon umaasang muli silang magtatambal ni Gabby

Sharon & GabbyKAHIT ilang beses nang naudlot ang balik-tambalan ng dating mag-asawang Sharon Cuneta at Gabby Concepcion, umaasa pa rin ang megastar na matutuloy pa rin balang-araw ang reunion-project nila ni Gabby.

Naniniwala si Sharon na kahit matagal na silang hiwalay ng ama ni KC Concepcion at may-kani-kanya na sila ng ibang pamilya, naniniwala si Shawie na may strong following pa rin ang kanilang tambalan ni Gabby na matagal nang umaasa ng kanilang reunion movie project.

“Sana man lamang ay makagawa kami ng movie ni Gabby bago man lamang ako mag-retire sa showbiz,” pahayag ni Sharon sa digital presscon para sa kanyang “Revirginized” movie with Darryl Yap na streaming ngayon sa Vivamax at iba pang digital platforms tulad ng ktx-ph, iWant TFC at TFC-IPTV, Ito’y pinagtatambalan nila for the very first time ng young hunk actor ng Viva na si Marco Gumabao at kung saan may special participation sina Albert Martinez, Rosanna Roces, Cristina Gonzalez at Ogie Diaz.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE