Sa pag-unfollow ni Janine… Malinis po ang konsensya ko — Julie Anne

April 7, 2022 Ian F. Fariñas 384 views

Janine

CONSISTENT ang Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose sa pagtanggi na sagutin ang tanong tungkol sa sinasabing panliligaw o ugnayan nila ng nali-link sa kanyang si Rayver Cruz.

Sa virtual mediacon ng kanyang Limitless Part 3: Rise concert series, inulit ni Julie Anne ang paborito niyang linya na mas mabuting si Rayver na lang ang tanungin at sumagot sa isyu.

Pero, pinuri niya ang binata dahil sa sobrang kabaitan nito.

“I’m in a happy place,” sabi pa ni Julie Anne.

Wala raw kaso sa kanya ang napabalitang pag-unfollow sa kanya sa Instagram ng ex-GF ni Rayver at dating Kapuso na si Janine Gutierrez.

Lahat naman daw ng tao ay may rason o dahilan at para sa kanya, wala siyang masamang tinapay kahit na kanino.

Ni sama ng loob o problema kahit kanino ay wala rin daw ang singer-actress dahil katwiran niya, “Malinis po ang aking konsensya.”

Nang tanungin kung maituturing pa rin niyang “friend” si Janine, sagot ni Julie Anne, naka-follow pa rin siya rito sa IG kaya, “yes po.

“I’ve always been open to friendships saka wala pong kaso sa akin, so, yes po,” pahayag niya.

Samantala, masasaksihan na online ang ikatlong bahagi ng Limitless musical trilogy ni Julie Anne, ang Limitless Part 3: Rise, sa April 9 at 10.

AUTHOR PROFILE