Sa dami ng accomplishments ‘di na alam paano pa siraan si Mayor Oca Malapitan!

July 1, 2021 Marlon Purification 619 views

Marlon PurificationHILONG-TALILONG ngayon ang mga kalaban sa pulitika ni Caloocan City Mayor Oca Malapitan.

Ang dahilan, wala pa rin silang mapatunayang anomalya laban sa butihing alkalde kaya kung anu-anong paninira at walang katotohanang alegasyon ang kanilang ginagawa.

Halos 10 buwan na lang bago dumating ang Halalan 2022 sa buwan ng Mayo. Kaya ang kampo ng kanyang mga kritiko ay kung anu-anong imbentong istorya na lang ang ibinabato upang siraan si Oca.

Ang hindi nila alam, habang tuloy sa paglubid ng kasinungalingan ang mga kalaban ni Oca, lalo lamang nadidismaya sa kanila ang mga taga-Caloocan dahil majority sa kanila ang magpapatunay at magsasabing hamak na mas maganda, maayos, sistematiko, makatao at hindi batbat ng korapsiyon ang Malapitan administration.

Paano pa babaligtarin ng mga kritiko ni Oca ang kanyang mga accomplishments samantalang araw-araw itong nakikita, nararamdaman at napapakinabangan ng mga taga-Caloocan.

Unahin na natin sa listahan ang ipinatayong bagong Caloocan City Hall na hindi ginawa ng mga nagdaang mayor sa lungsod. Kahit itanong pa natin kay Councilor PJ Malonzo na anak ni dating Mayor Rey Malonzo.

Ilang buwan pa lang sa puwesto si Malapitan ay ipinatayo agad nito ang mga malalaking gusali sa University of Caloocan City (UCC), partikular ang Edsa at Congress Campus dahil naniniwala ang Punong Lungsod na importante ang edukasyon para sa mga batang Kankalo.

Ganundin ang kahalagahan ng Kalusugan. Matapos ipaayos ang dating bulok na Diosdado Macapagal Health Center ay ipinagawa niya ito at pinalitan ng pangalan na Caloocan City Medical Center na ngayon. At hindi lang isang hospital ang pinagawa ng erpat ni Councilor Enteng Malapitan, kundi ipinatayo pa nito ang Caloocan City North Medical Center.

And wait, there’s more dahil mayroon ding Caloocan Periculture Center and Maternity sa A. Mabini kung saan inaasikaso ang mga nagpapa-prenatal na buntis, panganganak; iba pang procedure na may kinalaman sa therapy at mga out patient concern.

Hiwalay pa sa proyektong pangkalusugan ang two-storey building ng Drug Rehabilitation Center sa Camarin at Balay Silangan Rehabilitation Center kung saan naman ginagamot ang mga nalululong sa ipinagbabawal na gamot, samantalang may mga ‘accredited rehab center’ din ang Caloocan sa probinsiya ng Tagaytay.

Ipinatayo ang Buena Park Sports Complex sa University Hills Subdivision; samantalang pinag-uusapan din sa larangan ng sports ang kagandahan, linis at laki ng Caloocan City Sports Complex sa Bgy. 171 kung saan ginagawa ang Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL)

Pansinin ang halos lahat ng barangay sa lungsod na may magaganda ring barangay hall dahil sa suporta rin sa kanila ni Mayor Malapitan at siyempre ni Congressman Along Malapitan.

Ang pagsasaayos sa kalsada, sidewalk, street lights at maayos na hakot ng basura. Idagdag pa ang pagpapagawa sa Maypajo Public market at Langaray Public Market.

Kung iisa-isahin natin ang mga nagawa ni Oca at ng anak nitong si Cong. Along, baka ubos na ang pahina ng diyaryo ng People’s Tonight ay hindi pa tayo tapos.

Dahil sa husay nina Malapitan, limang magkakasunod na taon na nakatanggap ng Seal of Good Local Governance award ang Caloocan City at ginawaran din si Mayor Oca bilang Most Outstanding Public Servant ng Golden Glove Annual Award, March 2016.

Sa pagresponde ngayong pandemya, maayos na nagagabayan ni Malapitan ang kanyang mga kababayan sa pagsunod sa tamang health protocol. Katunayan, si Mayor Oca pa ang mismong nagpa-raid sa Gubat sa Ciudad na sinasabing ‘super spreader event,’ samantalang ang vaccine rollout nito ay isa sa nangunguna at pinakamaayos na sistema sa bansa.

Kung may mga reklamo, normal ito dahil lahat tayo ay ‘first time’ nakaranas ng pandemic ngayon, pero kaagad ding nasusolusyunan ng Team Malapitan.

Eto ang bago, may 45 nurse mula sa Tala Hospital na mga ‘job order,’ ang na-terminate ang kontrata mula sa Department of Health kamakalawa at dahil sa awa ni Malapitan, ilan sa mga ito ang sasaluhin na ng pamahalaang lokal upang makatulong nila sa pagsugpo kontra COVID-19.

Panukala mismo iyan ni Cong. Along Malapitan na palaging isinasapuso ang bilin ng amang si Mayor Oca na para maging epektibo at makatao ang serbisyo publiko, dapat palaging mangibabaw ang tunay na diwa ng Aksiyon at Malasakit