Rurubianca

Ruru, sinagot ang isyu ng pagpaparetoke ng ilong

October 29, 2021 People's Tonight 286 views

PINUNA na netizens ang napansin nilang pagbabago sa mukha at katawan ng Kapuso actor na si Ruru Madrid. Inakusahan si Ruru na pinaretoke ang kanyang ilong.

Sinagot ito ng aktor sa nakaraang interview sa kanya ng gmanetwork.com: “Maybe kasi sobrang pumayat (ang ilong ko). Resulta ito ng pagpapayat ko. Pero ito ang gusto kong condition ng katawan ko. Pinaghandaan ko ito for three years dahil sa Lolong,” rason ni Ruru.

Eh, dahil sa nasa kondisyon ngayon ang katawan, naging masigla ang kondisyon niya lalo na sa fight scenes.

Pero ang isa pang kapansin-pansin ngayon, lalong guamaganda si Bianca Umali na nauugnay kay Ruru lalo, huh!

‘Yun nga lang, mukhang hindi muna magkakasama nang madalas ang dalawa kahit patapos na ang kinabibilangang Kapuso series ni Bianca na Legal Wives.

REWIND EPISODE

AKALA namin, bumalik uli ang aktor na si Smokey Manaloto nang mapanood namin ang TV plug ng GMA drama anthology na Magpakailanman.

Rewind episode pala ‘yon ng MPK na saktong panoorin ngayong Haloween, ang Haunted Daughter.

Makakasama ni Smokey sa episode sina Angeli Bayani at Althea Ablan. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE