Ruru

Ruru mamumuhunan ng dugo’t pawis sa dambuhalang pagbabalik ng ‘Lolong’

January 14, 2025 Ian F. Fariñas 112 views

MATAPOS masungkit ang best supporting actor trophy mula sa 50th Metro Manila Film Festival para sa “Green Bones,” balik-primetime television si Ruru Madrid para sa second season ng “Lolong,” na pinamagatang “Lolong: Bayani ng Bayan.”

Sa katatapos na media launch, hindi maubos-ubos ang pasasalamat ng tinaguriang Kapuso Primetime Action Hero sa avid viewers at sa lahat ng bumubuo ng show.

Aniya, “Tulad nga po ng sinabi ko kanina to GMA Public Affairs, thank you very much. It’s my parang sixth consecutive project with you, guys, and masasabi ko na hindi ako magsasawa na makatrabaho kayo because I know that you, guys, are very supportive and collaborative pagdating sa lahat ng mga bagay na ginagawa natin.”

Para kay Ruru, pagtutulungan ang sikreto ng tagumpay ng bawat proyekto.

“Walang alpha, walang diktador, at ’yun siguro ‘yung magic ng ‘Lolong.’ Grabe, para akong nananaginip na meron na tayong bagong yugto ng ‘Lolong,’” patuloy niya.

Nagpasalamat din siya sa lahat ng nakasamang artista mula season 1 at nangako na mamumuhunan ng dugo’t pawis para sa hangarin ng programang makapagbigay-inspirasyon sa manonood.

“Kasama n’yo po ako anumang klaseng problema, anumang klaseng pagsubok, sama-sama nating lalabanin ’yan at sama-sama tayong abutin ang tagumpay na ating inaasahan,” mariing sabi pa ng boyfie ni Bianca Umali.

Sa bagong yugtong ito ng programa, mas matinding aksyon at drama umano ang matutunghayan ng viewers kasama pa rin ang mga minahal nilang karakter nina Shaira Diaz, Rochelle Pangilinan, Paul Salas, Mikoy Morales, Alma Concepcion, Maui Taylor at Jean Garcia.

Ilan naman sa mga dagdag sa cast sina Rocco Nacino, John Arcilla, Martin del Rosario, Klea Pineda at Tetchie Agbayani at introducing ang child actors na sina Ryrie Sophia at Drey Lampago.

Co-directed by King Mark Baco and Rommel Penesa, ang “Lolong: Bayani ng Bayan” ay mapapanood weeknights simula January 20 sa GMA Prime.

AUTHOR PROFILE