Ruru

Ruru inaanak ni Piolo

September 20, 2023 Aster Amoyo 286 views

NI-REVEAL ni Ruru Madrid na ninong niya sa binyag ang aktor na si Piolo Pascual.

Kinuwento rin ng Kapuso actor ang naging pag-uusap nila ng kanyang kinakapatid na si Iñigo nang magkita sila.

Ayon kay Ruru na malapit na magkaibigan ang kanyang ama at si Piolo.

“My dad and si Piolo, talagang magkaibigan po sila, so parang sinabihan siya ng Dad ko na ‘oh, inaanak mo ‘yung anak ko ha’,” kuwento ni Ruru.

Ayon pa sa Kapuso actor, napag-usapan nila ng anak ni Piolo na si Iñigo ang ang tungkol sa pagiging ninong niya si Piolo nang magkita sila sa isang event.

“Si Iñigo, sabi niya, ‘Bro alam mo ba na inaanak ka ni papa?’ Sabi ko, ‘Oo bro. Alam mo ever since alam ko ‘yan’,” masayang kuwento ni Ruru.

“Tapos parang natuwa ako na alam ‘yun ni Mr. Piolo Pascual,” dagdag niya.

Ayon kay Ruru, dating nag-extra sa teleserye ang kanyang ama, habang nagmo-model naman ang kanyang ina.

Nakatakdang bumida si Ruru sa GMA Public Affairs series na “Black Rider” katambal si Yassi Pressman.

Magkatambal din ang dalawa sa pelikulang “Video City” ng Viva Films na palabas na ngayon sa mga sinehan.

Michelle pahinga muna sa social media

MichelleNAGPASIYA si Michelle Madrigal na magpahinga muna sa social media.

“I’ve logged off/deleted my social media apps temporarily. I have decided to step away from these platforms indefinitely to work on myself and deepen my relationship with the Lord. Summer gave me an opportunity to look inward and reflect on myself,” sey ng aktres.

Ayon kay Michelle, inilaan niya sa panalangin at katahimikan ang kanyang sarili noong mga nakaraang linggo at nakaramdam ng pagpapagaling.

“The last couple weeks of silence, prayers, and isolation has been the best decision for my mental health. Learning through meditation, community, sobriety, celibacy, and healing as I go through the journey of becoming the woman God intended me to be. You became what you consume,” sabi pa niya.

Rhian sobra ang pasasalamat

Rhian RamosNAPUNO ng pasasalamat si Rhian Ramos sa walang sawang suportang natatanggap ng GMA primetime series na ‘Royal Blood’ mula simula hanggang sa nalalapit na pagtatapos nito.

Sa last taping day ng Royal Blood noong September 13, ibinahagi ng Sparkle actress ang pasasalamat sa manonood.

“Royalistas, thank you so much na sinamahan n’yo kami gabi-gabi. We are so grateful that every night you reacted and you watch. You help us solve the mystery kung sino ba ang pumatay kay Gustavo Royales. We really appreciate all of your reactions that you gave us everyday. We felt so connected to you guys. Napag-uusapan namin kayo actually on the set. Lahat ng mga hula n’yo, ‘yung mga paghihinala n’yo kung sino ang pumatay… may mga sarili kayong conspiracy theories and we loved it. Thank you so much for giving us a moment of your night,” sey ni Rhian.

Bukod sa pasasalamat, ibinahagi rin ni Rhian kung gaano niya mami-miss ang cast at crew ng ‘Royal Blood.’

“I will miss the people, the whole team. How much every single person here gave to this project kasi lahat talaga nag-contribute ng the most na they could possibly do. Everyone’s creativity from my scene partners to ‘yung mga gumagawa ng set to ‘yung mga damit and makeup, and all of the looks. All of those kasi contribute so much to the story and I’m grateful. Everyone really was so generous with the amount of effort and time that they put into this, and I’m gonna miss that. I’m gonna miss how united we all work for this project.”

AUTHOR PROFILE