Rurubianca

Ruru at Bianca, naninibago magkasama on-cam

February 1, 2023 Jun Nardo 248 views

LOVE is in the air sa set ng GMA Public Affairs na The Write One.

Bida sa GMA series ang mga real couple na sina Bianca Umali at Ruru Madrid at Mikee Quintos at Paul Salas.

First time magsama sa trabaho nina Ruru at Bianca kaya may feeling na naninibago sila.

Madalas kasi na off-cam lang sila magkasama.

Pero sina Mikee at Paul, nagsama na sa The Los Recipe kaya mas puno lang ng pag-ibig ang kanilang second partnership.

Ang isa pang couple na kasama sa series na kahit estranged na, eh, friends pa rin ay sina Lotlot de Leon at Ramon Christopher.

Magiging available ang The Write One sa video streaming service na Vui.

Mapapanood din sa streaming service ang coming Kapuso show na Love Before Sunrise nina Dennis Trillo at Bea Alonzo.

‘EB’ INDONESIAN FRANCHISE, NAGBABALIK

NAGBALIK na palang muli ang Indonesian franchise ng Eat Bulaga. Ito ang unang Asian country na nagkaroon ng franchise ng longest-running noontime show.

Of course, isa sa hosts ng EB Indonesia si Leo Consul. Na-feature pa nga sa Magpakailanman ang lifestory niya.

Samantala, abangan ngayong Sabado sa EB ang grand finals ng kanilang “Bida The Next” kung saan isa sa kanila ay magiging bahagi nan g EB Dabarkads.

AUTHOR PROFILE