Gobyerno

Rural electrification

April 21, 2023 People's Tonight 434 views

NAKARATING na ang tao sa buwan at alam na natin ang nangyayari sa ibang mga planeta, pero nakalulungkot naman na may mga lugar pa sa atin na wala pang kuryente.

Ito ‘yong mga barangay at sitio na talaga namang napakalayo sa “kabihasnan” at nangangailangan ng napakalaking pera ni Juan dela Cruz para mailawan silang lahat.

Kaya tama lang si Pangulong Marcos nang iutos niya sa concerned state agencies na ipagpatuloy ang implementasyon ng rural electrification program ng administrasyon.

Sa ilalim ng big-budgeted rural electrification project ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos ay iilawan ng gobyerno ang mahigit na 1,140 sitios sa buong Piipinas.

Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, isang Mindanoan kagaya ni Vise Presidente Sara Duterte, “rural electrification is vital to improve the quality of life of Filipinos.”

Dagdag pa ni Secretary Pangandaman: “When we say we want to uplift the lives of the Filipino people, we mean all Filipinos, even those in the farthest barangays and sitios.”

Kagaya ni Secretary Pangandaman, naniniwala tayo na hinding-hindi tayo magtatagumpay na paangatin ang socio-economic conditions ng taumbayan sa mga lugar na walang kuryente.

Kaya nga gumagawa ng lahat ng paraan si Pangulong Marcos para mabigyan na ng kuryente ang marami pang “unelectrified barangays and sitios” sa buong Pilipinas.

Ang gusto ni Marcos na masiguro na ang kuryente sa bansa ay “affordable, sustainable, secure and sufficient.”

Bigyan natin ng patas na laban ang mga kababayan nating nakatira sa mga liblib na pook para namang makaahon na sila sa tinatawag na “grinding poverty.”

Ang kailangan nila ay kuryente.

AUTHOR PROFILE