Ashley Larawan mula sa IG/Ashley Lopez

’Running out of bikinis’

March 19, 2025 People's Tonight 188 views

MUKHANG nauubusan na yata ng bikini ang Vivamax artist na si Ashley Lopez dahil sa madalas na pagbabandera nito ng kaseksihan sa social media.

May bago na naman ngang ibinahaging larawan ang sexy star sa kanyang Instagram page. Mauubos man ang kanyang bikini, pero tila hindi siya mauubusan ng patakama para sa followers.

“Running out of bikinis,” sey ni Ashley sa caption.

Ayaw paawat ng kanyang hotness sa suot na longsleeves at panty. Mala-honey nga ang pagka-smooth at golden ng kanyang balat na tila mae-enjoy papakin ng mga nasa opposite sex.

“Kaya pala sobrang init kanina, ikaw pala ang dahilan,” banat ng isang netizen.

Pati ang titig ng hot actress, may dalang pang-aakit— malagkit. Sure na maluluto ang “t” ng mga barakong siya ang trip sa pantasya.

Si Ashley ay tampok sa Vivamax original film na “Malagkit,” sa direksyon ni Bobby Bonifacio, Jr. Kasama niya ang iba pang bituin tulad nina Lea Bernabe, Ace Toledo, at VJ Vera.

Pinusuan at pinaliyab ng netizens ang comment section ni Ashley. Bet na bet nila ang performance niya sa nasabing proyekto.

AUTHOR PROFILE