JLC Mga larawan mula sa Instagram/@isabelreyesantos

Rumored gf ni John Lloyd nagpasalamat sa pandesal

August 24, 2023 People's Tonight 315 views

SA isang Instagram post nagbahagi ng matamis na mensahe ang artist na si Isabel Santos para sa kaarawan ng ama ng kanyang rumored boyfriend at award-winning actor na si John Lloyd.

Ibinahagi ni Isabel ang ilang larawan mula sa selebrasyon ng kaarawan ni Luisito “Chito” Cruz, ang tatay ni John Lloyd nitong Martes, Agosto 22.

Sa mga larawang ibinahagi ni Isabel, kasama niya ang kanyang sariling mga magulang, si John Lloyd, at at ama ng aktor.

Binati ng make-up enthusiast at fashionista sa kanyang kaarawan ang ama ng rumored boyfriend at nagpasalamat pa ito.

“Happy birthday po Tito Chito. Salamat po sa pagmamahal,” pahayag ni Isabel sa caption ng kanyang Instagram post.

“At sa pandesal ko tuwing umaga. Lagi nyo po ako naalala. Salamat po,” dagdag pa ng artist.

Matatandaang nagsimula ang usap-usapang si Isabel ang rumored at non-showbiz girlfriend ni John Lloyd dahil sa mga “lowkey” Instagram posts nito patungkol sa aktor.

AUTHOR PROFILE