Bistek

Ruffa, sinita ang admin ng Twitter ni Bistek

November 20, 2021 Ian F. Fariñas 297 views

MISMONG si Ruffa Gutierrez ang nanita kahapon sa admin ng Twitter account ni senatoriable Herbert Bautista na ayusin ang mga tweet at gawing relevant at current ang nilalaman para hindi napapahamak ang walang malay na actor-politician.

Tweet ng beauty queen-actress, na kasama ang inang si Annabelle Rama ay todo ang suporta sa kandidatura ni Bistek sa 2022 polls, “Dearest Admin of @Bistek858 , Pwede ba, ayusin mo mga tweets mo. Make them RELEVANT & CURRENT. Hindi ka nakakatulong, nakakasira ka pa.

“Huwag mo ng buhayin yung mga matagal ng patay at nananahimik na issue. OR ELSE… you’re FIRED!

“Such an amateur.”

Ang reaksyong iyon ni Ruffa sa Twitter ay may kinalaman sa isang tweet na bagama’t blind item ay inangkin ng kampo ng dating nali-link kay Bistek na si Kris Aquino.

Umabot ang isyu sa pagre-react ng fiance ni Kris na si dating DILG Sec. Mel Sarmiento at pag-a-upload ni Kris ng dalawang posts sa Instagram tungkol sa dalawang lalaki sa kanyang past at present.

Siyempre, kanya-kanyang react din ang netizens kaya marahil nag-tweet si Ruffa para malinawan ng publiko, pati na ng magdyowang Kris at Mel, ang katotohanan sa likod ng dapat sana’y non-issue.

AUTHOR PROFILE