Ruffa

Ruffa, pinuri sa reunion nina Lorin, Venice at Yilmaz

June 11, 2022 Ian F. Fariñas 225 views

Yilmaz

MARAMING netizens ang naluha at pumuri kay Ruffa Gutierrez sa pagpayag niya na makipagkita muli ang mga anak na sina Lorin at Venice sa amang si Yilmaz Bektas.

Putok nga ang video upload ni Ruffa sa Instagram at Tiktok na nagpapakita ng emosyonal na reunion ng kanyang mag-aama.

Makaantig-damdamin naman talaga ang muling paghaharap ng tatlo matapos ang 15 taong pagkakahiwalay.

Caption ni Ruffa sa video upload, “The greatest love of all time is between a father and his daughters. A beautiful and heartwarming reunion after 15 years of being apart,” sabay lagay ng hashtags na #NewBeginnings #Together Again.

AUTHOR PROFILE