Yilmaz

Ruffa pinuri sa pagpayag sa mga anak na makasamang muli si Yilmaz

June 12, 2022 Aster Amoyo 853 views

YilmazYilmaz1

MARAMI ang pumuri sa aktres na si Ruffa Gutierrez nang payagan nito ang dalawang anak na sina Lorin (18) at Venice (17) na makipagkita sa kanilang ama, ang Turkish businessman ex-husband niyang si Yilmaz Bektas pagkaraan ng 15 taon.

Lorin was barely three years old at halos wala pang dalawang taon si Venice nang bumalik ng Pilipinas si Ruffa galing Istanbul, Turkey bitbit ang dalawang anak at hindi na siya pinayagang muli ng kanyang inang si Annabelle Rama na balikan ang asawa.

Sina Ruffa at Yilmaz ay unang ikinasal sa Pilipinas nung March 25, 2003 na sinundan ng Turkish wedding in Istanbul na ginanap sa Old Palace ng Turkey.

Ang dalawang anak ng mag-asawa na sina Lorin at Venice ay parehong ipinanganak ni Ruffa sa Los Angeles, California kaya American citizens ang mga bata.

Dahil hindi na bumalik sa Istanbul si Ruffa at dalawa nilang anak ni Yilmaz ay kasunod na rito ang divorce at annulment ng kanilang kasal in 2012.

Yilmaz has since remarried to 2006 Miss Universe Zuleyka Rivera Mendoza of Puerto Rico. Yilmaz’s ex-wife Ruffa was 1993 Miss World 2nd runner-up and a popular personality in the Philippines.

Matagal na panahon bago naging on speaking terms muli ang dalawa dahil na rin sa kanilang mga anak.

Hindi ikinakaila ni Ruffa na sobrang nami-miss ng dalawa niyang anak ang kanilang ama kaya napagkasunduan ng ex-couple na magtungo ng Istanbul ang mga ito.

Si Yilmaz mismo ang personal na sumalubong sa kanyang dalawang anak sa Istanbul Airport. Nakalikod sina Lorin at Venice nang bigla silang yakapin ng ama.

Iito rin ang pagkakataon nina Lorin at Venice to get reunited with their other relatives (sa father side) in Istanbul.

Ang reunion nina Yilmaz at dalawa niyang anak (kay Ruffa) na sina Lorin at Venice ay magsisilbing advance birthday gift sa kanya as he will be celebrating his 45th birthday on July 19. Pero mauuna ang kaarawan ni Ruffa sa darating na June 24.

Ang pagpayag ni Ruffa na muling makita at makapiling ang kanilang ama ay isa sa right decisions na ginawa ng actress sa kanyang buhay.

“The greatest love story of all time is between a father and his daughters. A beautiful and heartwarming reunion after 15 years of being apart,” mensahe ni Ruffa sa kanyang Instagram account.

Nash

Nash at Mika nagbakasyon sa Palawan

ISA ang 23-year-old Kapamilya actor-turned politician na si Nash Aguas sa mga kilalang Filipino personalities na nagmamay-ari ng bahay sa Las Vegas, Nevada, USA. Ang nasabing property ay na-acquire niya in 2019 when he was 20 years old.

Isa rin si Nash sa mga bagitong politician na nanalo sa pagka-konsehal ng Cavite nitong nakaraang halalan. Pero bago siya umupo sa bagong sinumpaang tungkulin ay naisingit niya at ng kanyang girlfriend of four years, ang singer-actress na si Mika de la Cruz at magbakasyon sa El Nido, Palawan. Ito ang kanilang first trip together as a couple.

Si Nash at Mika ay nagkasama sa dating kiddie gag show ng ABS-CBN, ang “Goin’ Bulilit” kung saan nagsimula ang kanilang pagiging magkaibigan. Pero naging ka-loveteam ni Nash si Alexa Ilacad.

Sina Nash at Mika ay nagsimula ang relasyon in 2018.

Belle

Donny at Belle may relasyon na?

MARAMI ang naniniwala na may relasyon na ang magka-loveteam na sina Belle Mariano (20) at Donny Pangilinan (24). Ito rin ang gustong mangyari ng kanilang fans.

Curious ang marami kung ano ang birthday gift ni Donny kay Belle on her 20th birthday last Friday, June 10 at kung nag-date ba ang dalawa.

Hindi man nagtagal ang tambalan nina Donny at Kisses Delavin, mas nag-click naman ang naging team-up nina Donny at Belle na isa ngayon sa hottest loveteams ng bansa.

Pagkatapos ng kanilang successful team-up sa “He’s Into Her” TV series 1 & 2, inaasahan ang muling pagtatambal ng dalawa sa isang bagong movie and eventually sa isang teleserye sa malapit na hinaharap.

Naging malaking hit ang kanilang first digital movie, “Love is Color Blind”.

Maganda rin siguro kung magsasama sina Belle at Donny sa isang major concert sa isang malaking venue. After all, pareho silang singers.

ANgelica malapit nang maging ina

KAPAMILYA actress Angelica Panganiban is soon to become a mother of a baby girl. The gender of the baby has been revealed sa vlog ng actress with her Australian partner na si Gregg Homan last Saturday, June 11.

It was last March 20 nang ibahagi ni Angelica sa kanyang Instagram account na siya’y nagdadalangtao.

Bago nakilala ni Angelica ang kanyang present partner, she was in a long relationship with actors Carlo Aquino, Derek Ramsay and John Lloyd Cruz.

The Fil-Am actress got reunited with her biological American father, Mark Charlson on November 2010 in Los Angeles, Calfirnia, USA when she was 24 but never had a chance to meet her biological mother whom she learned died in 2008 in Singapore.

Angelica and her partner Gregg will celebrate their 2nd anniversary as a couple next month.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE