Ruffa

Ruffa, nagmalasakit sa mga biktima ng lindol sa Turkey

February 8, 2023 Jun Nardo 391 views

NAGPAHATID ng mensahe ng pagmamalasakit si Ruffa Gutierrez sa Twitter sa mga biktima ng lindol sa Turkey nitong nakaraang mga araw.

Ilang taon din nanirahan doon si Ruffa nang mapangasawa si Ylmaz Bektas. In good terms na sila kahit naghiwalay pa.

Kaya sa tweet ni Rufing, “Sending my thoughts and prayers to everyone devastated by the massive earthquake today #PrayForTurkey #Turkey.”

Samantala, wala pang update si Rufing kung ano na ang mangyayari sa kinabibilangang morning show sa AllTV kasama sina Mariel Padilla at Ciara Sotto.

Mas focused siya sa promo sa social media ng coming Viva movie niya na MoM (Martyr or Murderer) na sequel ng box-office movie na Maid In Malacañang.

Gagampanan muli ni Ruffa ang role niya bilang si First Lady Imelda Marcos sa pelikula ni Darryl Yap na sa March 1 na ipapalabas worldwide.

LOU, TAWID-NETWORK ANG DRAMA

NAPANSIN ng netizens na kasama pala sa cast ng bagong Coco Martin series na FPJ’s Batang Quiapo ang character actor na si Lou Veloso.

Eh, may special role si Lou nang magsimula ang GMA hit series na Maria Clara at Ibarra bilang istriktong professor ni Barbie Forteza sa pagtuturo ng Noli Me Tangere novel.

Napanood pa namin si Lou bago ang book 2 ng series na tumawid sa El Filibusterismo novel.

Pero hindi na siya sumulpot pa sa sumunod na episodes kahit hinahanap siya sa eksena ni Barbie.

Siyempre, bagong trabaho ang dumating kay Lou at patapos na rin ang Kapuso series kaya puwede na siyang magtrabaho sa ibang programa, huh!

AUTHOR PROFILE