Ruffa

Ruffa, nag-react sa ‘in a relationship’ status ni Bistek sa FB page

May 17, 2022 Ian F. Fariñas 313 views

NABULABOG ang followers ng isang Facebook page na sumusuporta sa mga adbokasiya ni dating Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista nang bumulaga rito ang status na “In a Relationship.”

Ilang malalapit kay Bistek ang nagduda kung admin lang ba ng page ang may gagawan nu’n dahil baka hindi aware ang tumakbong senatoriable sa bagong status na ito.

Siyempre, hindi rin nakalagpas sa netizens ang komentong, “Oh reallyyy now! Congratulations!!” ng ILoveRuffaG official fan page account ng nali-link kay Bistek na si Ruffa Gutierrez na pinusuan at tinambs-up ng ilan sa kanila.

May mga kumuwestiyon man sa “ugnayan” ng dalawa sa comment section, ’di hamak pa ring mas marami naman ang nag-congratulate kina Bistek at Ruffa.

Feeling ng mga nakabasa, kumpirmasyon lang iyon ng nauna nang sinabi nina Bistek at Ruffa na wala mang label, eh, meron nga silang isang “mature relationship.”

Para naman sa showbiz insiders, bago mag-jump into conclusion, mas makabubuti na direktang marinig sa dalawa ang kumpirmasyon kung legit ba o peke ang FB status na ito.

AUTHOR PROFILE