Rufa

Ruffa, may bonggang b-day greeting kay John Lloyd

June 25, 2022 Vinia Vivar 116 views

Bossvic

May bonggang birthday message si Ruffa Gutierrez para sa ex-boyfriend na si John Lloyd Cruz na kasabay niyang nagdiriwang ng kaarawan last Friday, June 24.

Sa It’s Showtime noong Friday ay binati si Ruffa ng kanyang mga co-host.

Pagkatapos nito ay nagbigay din ng pagbati si Vhong Navarro para kay Lloydie.

“Dahil birthday mo, Ruffa, may babatiin din ako na nagbi-birthday din ngayon… Happy birthday kay John Lloyd Cruz,” sey ni Vhong na tila may halong pangngantiyaw kay Ruffa since ex nga nito ang aktor.

Parang nagulat naman si Ruffa at sambit niya, “Grabe!”

Tanong ni Ogie Alcasid, “Teka, Ruffa, bakit ka napa-‘grabe’ du’n?”

Paliwang naman ni Ruffa, nakalimutan daw niya kasing ka-birthday niya si Lloydie.

“I forgot kasi. Kung ’di mo lang… Ikaw kasi nagpaalala sa akin, Vhong, na birthday din ni John Lloyd today,” sagot ni Ruffa.

Hirit naman ni Vhong, “Kaibigan ko din kasi ’yun, eh. Parang ikaw din, kaibigan ko.”

Agree naman si Ruffa at pagkatapos ay binati si Lloydie.

“Oo, kaibigan nating lahat. Hello, JL! I hope you’re happy,” mensahe ni Ruffa sa ex-bf.

Anyway, sa kanyang Instagram account ay nag-post si Ruffa ng throwback photo niya with her two daughters Lorin and Venice.

Sa caption ay naging senti (sentimental) ang aktres dahil na rin sa maraming pinagdaanan sa buhay at nagpasalamat that she’s still here, surviving and celebrating her birthday.

“Posting a throwback photo of us because so much has happened in our lives since this photo was taken in 2007.

“Countless up & downs, heartaches & breakthroughs, failures & triumphs…

“Today, on my special day, I cannot be more thankful to be alive, happy, and healthy. Life itself is a beautiful gift. It may sound cliché but let’s manifest that the best is yet to come.

“Happy birthday to me!” caption ni Ruffa.

ANDRE, BALIK-SHOWBIZ

Umalis na sa PBA (Phillippine Basketball Association) si Andre Paras at nagdesisyon na ipagpatuloy na lang ang kanyang pag-aartista.

Matatandaang last year nang iwan pansamantala ni Andre ang show business nang mapili siyang maging player ng Blacwater Bossing ng PBA.

Pero mukhang sa showbiz na talaga ang puso niya dahil after playing for one season, he decided to leave the league para bumalik sa showbiz.

Sa panayam ng 24 Oras ay masayang-masaya ang binatang anak ni Benjie Paras sa kanyang pagbabalik.

“I’m very excited. I’ll be working with a lot of new people I look up to and I can’t really wait to meet them in person,” aniya.

Ayon pa sa Kapuso actor, nagpaalam naman daw siya nang maayos sa kanyang team.

“It’s been one year and I’m finally back. I did talk to my team, I did it in person. (I told them) my reason why I wanted to step down from the league and they accepted it. I’m very thankful because suportado po sila and that’s where I would love to leave it,” he said.

Sa ngayon ay pinaghahandaan na ni Andre ang kanyang mga upcoming project sa Kapuso at una na nga rito ay ang seryeng Abot Kamay na Pangarap kung saan ay gaganap siya bilang isang young doctor.

AUTHOR PROFILE