Ruffa kinontra ang tsikang nasa kritikal siyang kondisyon: Fake news!
Inalmahan ni Ruffa Gutierrez ang balitang nasa hospital siya at kritikal ang kondisyon.
Sa kanyang Instagram Story ay ipinost ng aktres ang isang social media post na may larawan ng rumored boyfriend na si Herbert Bautista, ina niyang si Annabelle Rama na umiiyak at isang babaeng nakaratay sa hospital na pinalalabas ngang si Ruffa.
Nakasaad pa sa post na “Ruffa Gutierrez KRITIKAL Sa Ospital” at “Please pray for Ruffa.”
Sey ni Ruffa, ito ay isang malaking FAKE NEWS!
Pahayag pa ng aktres, “5 people have asked me if I was in the hospital. One friend just sent me this page. If it’s not from my verified accounts on IG, TWITTER & FB, THEN IT’S FAKE!”
Kung sinusubaybayan niyo ang legit socmed accounts ni Ruffa ay hindi talaga kayo maniniwala sa fake post na nasa ospital siya. Panay ang post niya ng kanyang latest photos and looking very gorgeous pa rin siya’t walang kahit anong senyales na may sakit.
Sa kanyang recent IG post nga ay nagtatanong pa siya kung anong haircut ang babagay sa kanya.
“Thinking of a new haircut, style, and color for 2025. Any suggestions?” tanong pa ni Ruffa.
SHAGAB FANS, KILIG SA PAGBATI NI GABBY KAY SHARON
Naniniwala na kami na talagang okay na okay na ang relasyon ngayon ng dating mag-asawang Gabby Concepcion at Sharon Cuneta.
Mukhang friends na talaga sila and obviously, nakatulong ang “Dear Heart” US and Canada tour nila noong October-November, 2024.
Sa kanyang Instagram post ay binati ni Gabby ang kanyang ex-wife sa kaarawan nito last January 6.
Nag-post ang aktor ng reel at nakasaad dito ang kanyang birthday greeting.
“Happy Birthday ‘Dear Heart’ Jan 6, 2025,” ang caption ni Gabo with matching background music na “Days I Will Remember.”
At take note, nag-react si Sharon sa comment section ng tatlong purple hearts.
Kaya naman super-kilig na naman ang solid ShaGab fans.