Ruffa

Ruffa ipinaliwanag ang ’di pagsipot sa hearing

March 25, 2025 Vinia Vivar 209 views

Inamin ni Ruffa Gutierrez na naimbitahan siya ng Kongreso na dumalo sa ‘fake news’ hearing pero nilinaw niya na magalang niya itong tinanggihan.

Inihayag ito ng aktres sa kanyang Facebook post kahapon at ipinaliwanag niya kung bakit hindi siya nakadalo.

“To my concerned friends and fans who have been reaching out — yes, I was invited to attend this hearing but politely declined, not only due to a prior commitment but also because I choose not to be politically involved, even as I remain a target of fake news and misinformation,” saad ni Ruffa.

“At the end of the day, truth prevails. I remain dedicated to my work in the entertainment industry, which I truly love, with grace and purpose.

Let’s focus on what truly matters —integrity, growth, and the things that bring light into our lives. Have a blessed Tuesday!” pahayag pa ni Ruffa.

Ang imbitasyon na tinutukoy ng aktres ay para sa pagdinig na isinasagawa ng House Tri Committee hinggil sa paglaganap ng fake news sa bansa.

Last Friday, March 21, nagkaroon na ng joint inquiry sa Kongreso ang Committees on Public Order and Safety, Information and Communications Technology, and Public Information.

Ito’y sa pangunguna ni Santa Rosa, Laguna Rep. Dan Fernandez, na siyang nagsilbing lead chairperson ng Committee on Public Order and Safety.

Isa si Ruffa sa celebrities na naimbitahang dumalo along with Vice Ganda, Baron Geisler and Mon Confiado na ilan lamang sa mga artistang nabiktima na ng ‘fake news.’

Tulad ni Ruffa, hindi rin nakadalo ang mga personalidad na nabanggit sa hearing.

GUESTING NI KATHERINE SA ‘BATANG QUIAPO’ TINATRABAHO NI COCO

Nagbigay ng update si Coco Martin hinggil sa pagge-guest ni Katherine Luna sa “FPJ’s Batang Quiapo.”

Ayon sa aktor nang makausap ng press sa 38th PMPC Star Awards for Television last Sunday, kasalukuyan pang inaayos ang guesting ng dating independent actress.

“Actually, inaayos ko pa, eh. Kasi, sabi ko nga, kasi sabi niya, hindi pa siya ready dahil parang may pinagdadaanan siya ngayon. Pero sabi ko nga, ginagawa ko ang lahat para masuportahan siya,” sey ni Coco.

Ayon pa sa aktor/direktor, kailangan ng ating industriya ang isang mahusay na aktres tulad ni Katherine kaya naman gusto niya talaga itong makabalik.

“Looking forward, gusto ko talaga siyang makatrabaho dahil napakahusay niyang artista at kailangan siya ng industriya natin. At sana, hinihiling ko na makabalik siya at nandito ako para suportahan siya,” saad ni Coco.

Natanong din ang aktor kung ipapaopera ba niya ang mata ni Katherine tulad ng naunang mga naglabasan at sey niya, “basta kung ano ‘yung kinakailangan niya, ano ‘yung maitutulong ko para makabalik siya dito. Kasi, bago ang lahat, naging magkaibigan kami, eh. Kaya kung ano ang magagawa ko…”

Ano ang reaksyon niya na nag-sorry sa kanya si Katherine?

“Limot ko na ‘yun at kung anuman ‘yun, napatawad ko na siya,” nakangiting sabi ni Coco.

Matatandaang sa panayam ni Julius Babao kay Katherine kamakailan ay nag-sorry ang dating aktres kay Coco dahil sa pag-aakalang ito ang ama ng kanyang panganay na anak.

Magugunita ring naging kontrobersyal noon ang isyung ito at inakala ng lahat na binatang ama na ang aktor.

Magugunita ring nagsagawa si Coco ng DNA test sa bata at dito napatunayang hindi siya ang ama nito.

Samantala, natanong din ang aktor kung ano ang pakiramdam niya ngayong gigibain na ang Dolphy Theater.

“Actually, malungkot, napaka-sentimental kasi napakaraming magagandang experience at napakaraming natutunan dito sa Dolphy Theater.

“Hindi mo ma-explain ang pakiramdam. Nakakalungkot. Pero sabi ko nga, at least, nakapunta kami dito, nakapagpasalamat sa inyo, sa pagbibigay n’yo ng karangalang ito, at part ang ABS-CBN at Dolphy Theater sa karangalang ito,” aniya.

Dumalo si Coco sa 38th Star Awards for TV dahil nagwagi ang

“FPJ’s Batang Quiapo” bilang Best Primetime TV Series.

Personal niyang tinanggap ang award kasama ang iba pang co-directors niya sa programa.

Ginanap ang awards night last Sunday sa ABS-CBN’s Dolphy Theater.

AUTHOR PROFILE