Ruffa

Ruffa, cochinillo ang b-day gift kay Herbert

May 13, 2022 Vinia Vivar 56 views

Kahit hindi pinalad si Herbert Bautista na makasama sa Magic 12 senators sa katatapos lang na eleksyon, masaya naman siyang nagdiwang ng kanyang kaarawan last May 12.

Nag-post ang rumored girlfriend ni Bistek na si Ruffa Gutierrez last Thursday (May 12) na masaya silang nagkakantahan sa videoke.

Tawanan sila nang tawanan habang kumakanta ng Maybe This Time na tila akmang-akma sa kanila.

Caption ni Ruffa, “happyyyy birthday @herbertbistekbautista” at “cheers to life @herbertbistekbautista.”

Binati rin ni Ruffa si Bistek that day sa It’s Showtime pati na ng kanyang mga co-host.

Tinanong ni Vice Ganda si Ruffa kung ano ang ibibigay niyang regalo kay Bistek at sagot ng aktres, “I’ll give him cochinillo, umorder na ‘ko. Happy birthday, Bistek!”

As we write ay nasa 98% na ang turn-over ng votes at nasa no. 14 si Bistek sa senatorial race.

Mukhang tanggap na rin niya na hindi na siya makakapasok sa Magic 12 dahil sa kanyang Instagram post ay nagpasalamat siya sa lahat ng sumuporta at bumoto sa kanya.

Aniya ay ipagpapatuloy pa rin niya ang pagsisikap para sa magandang bukas.

“Maraming salamat sa inyong patuloy na nag-uumapaw na suporta, tiwala, pagmamahal at pakikiisa para sa mga adhikain at pangarap natin sa bansa.

“Hindi naging madali ang laban na ito ngunit dahil kasama ko kayo patungo sa magandang kinabukasan, nanatili akong matatag sa ngalan ng ating bayan.

“Asahan niyo pong walang katapusan ang ating pagsisikap tungo sa mas mapayapa at maunlad na Pilipinas.

“Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Pamilyang Pilipino! Mabuhay tayong lahat!” ang pahayag ni Bistek.

1-M GOAL

Ang daming tsika sa nakaraang post-birthday lunch ng entertainment columnist/TV host na si Aster Amoyo.

Sari-sari ang napag-usapan mula sa katatapos lang na eleksyon, sa mga artistang nanalo at natalo hanggang sa madako ang usapan sa exclusive interview niya kay presumptive President Bongbong Marcos at sa asawa nitong si Liza Araneta.

Ang naturang panayam ay inilabas ni Tita Aster sa kanyang online show na TicTalk with Aster Amoyo on her YouTube channel last September, 2021 at sa ngayon ay nasa 2.9 million views na.

Aminado si Tita Aster na matapos niyang i-upload ang interview ay nagulat siya na maraming nag-unsubscribe sa kanya pero mas maraming BBM supporters naman ang nag-subscribe.

“Considering na wala akong political topic, ha? Wala talaga, sa love story nilang mag-asawa ako nag-focus,” aniya.

Marami rin daw siyang bashings na natanggap pero mas marami pa rin ang positive comments.

Masayang-masaya rin si Tita A. na magda-dalawang taon pa lang ang kanyang YT channel pero nasa 170,000 na ang kanyang subscribers at binigyan na nga siya ng Silver Button Award ng nasabing video sharing platform.

“My present goal is to reach the 1-M (million) mark so I can get a Golden Button Award. I cannot do this without the help of everybody. So, I’m encouraging everyone to subscribe, share and press the bell icon for notifications. I really hope you will join me in this journey,” sey ni Tita Aster.

AUTHOR PROFILE