Bistek

Ruffa at Annabelle, sanib-pwersa sa pagsuporta kay Bistek

November 15, 2021 People's Tonight 144 views

SANIB-PUWERSA talaga ang mag-inang Annabelle Rama at Ruffa Gutierrez sa pagsuporta sa kandidatura ni Herbert Bautista bilang senador.

Unang nag-post si Annabelle sa kanyang social media account ng suporta kay Bistek.

Kahapon naman, nag-tweet si Ruffa sa kanyang Twitter account ng, “Let’s follow Herbert Bautista on Twitter!”

Bago pa lang si Twitter ang senatoriable kaya tumutulong si Rufing na dumami ang followers niya.

Matagal nang magkaibigan sina Herbert at Ruffa kaya ’wag itong bigyan ng malisya, huh!

AldenALDEN, MAY CONCERT SA 2022

SASABAK na naman si Alden Richards sa concert next year, January 30, 2022.

Ito ay ang Forward: Meet Richard R. Faulkerson, Jr.

Isa itong documentary concert at malalaman pa ng ibang Alden sa loob ng mahigit isang dekada.

Magsisilbi rin itong birthday concert ng Asia’s Multimedia Star dahil January 2 ang araw ng kaarawan niya.

Wala pang detalye kung may live audience sa Forward concert niya o kung virtual pa rin ito gaganapin. Ni Jun Nardo

AUTHOR PROFILE