Ruffa, 46, gustong tapusin ang pag-aaral

May 14, 2021 Aster Amoyo 57 views

NO one is too old pagdating sa edukasyon.

At age 46 (turning 47 on June 24), actress, host and former beauty queen Ruffa Gutierrez is determined to finish her studies in college sa pamamagitan ng Extended Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program (ETEEAP). Si Ruffa ay naka-enrol ngayon sa Philippine Women’s University where she plans to take up Communication Arts.

Ruffa was in her teens when she entered showbiz and after 34 years in the business ay doon niya na-realize ang kahalagahan ng edukasyon. Gusto rin ni Ruffa maging ehemplo para sa kanyang dalawang teen-age daughters na sina Lorin at Venice sa kanyang ex-husband, ang Turkish businessman na si Yilmaz Bektas. The ex-couple got married in 2003 but got officially separated nung May 8, 2007.

Sa kabila ng pagiging single parent ni Ruffa ay maayos niyang napalaki ang dalawang anak na ang panganay na si Lorin ay sa Amerika mag-aaral ng college.

Samantala, huli siyang napanood sa afterhoon TV series na “Love Thy Woman” ng ABS-CBN nung isang taon.

John Lloyd tahimik sa engagement nina Ellen at Derek

MAY mga espekulasyon nang naglalabasan na ang nagbabalik-showbiz na actor na si John Lloyd Cruz ay mapapabilang na sa roster of talents sa ilalim ng bagong tatag ng talent management company na Crown Artist Management na pinamumunuan ng actress na si Maja Salvador na siyang tumatayong president and CEO ng kumpanya.

Close na magkaibigan sina JLC at Maja. Since wala na rin sa pangangalaga ng Star Magic ng ABS-CBN si John Lloyd ay kinausap siya ni Maja. Sakaling si John Lloyd na nga ang bagong karagdagan sa mga talents ng CAM bukod siyempre kay Maja and eight other new talents, si Maja o ang CAM na ang magre-represent kay JLC sa mga upcoming new projects nito.

Si John Lloyd ay may comeback movie sa ABS-CBN, ang “Servando Magdamag” na pinamahalaan ni Lav Diaz. Ito’y labas pa sa reunion movie nila ni Bea Alonzo, also under Star Cinema.

Speaking of John, tahimik pa rin ito hanggang ngayon tungkol sa engagement ng kanyang ex-girlfriend at ina ng kanyang almost three-year-old son na si Elias na si Ellen Adarna sa actor na si Derek Ramsay. Nagkita na umano sina JLC at Derek nang minsang sunduin nito ang kanilang anak ni Ellen sa bahay mismo ni Derek. John Lloyd even congratulated Derek.

Kring Kring nasa Ang Probinsyano na

NAGPAPASALAMAT kay Coco Martin ang nagbabalik-showbiz na si Cristina `Kring-Kring’ Gonzales na natupad ang pangarap na maging bahagi ng top-rating and longest-running action drama series na “FPJ’s Ang Probinsiyano.”

“Even before pa, gusto ko nang mag-guest sa TV series ni Coco,” pag-amin ni Cristina.

“I think everybody wants to be part of “Ang Probinsyano” patuloy pa niya.

Ang “FPJ’s Ang Probinsyano” ang nagsisilbing comeback vehicle ni Cristina after more than 20 years nang pansamantala siyang tumigil sa kanyang showbiz career para harapin ang kanyang buhay may asawa and eventually her political career nang siya’y maging city councilor (for 9 years) at city mayor ng Tacloban ng isang term or 3 years.

“Showbiz will always be a part of my life dahil dito nagsimula ang dad (Jose Mari Gonzalez) ko at dito rin ako nag-start,” pagbabalik-tanaw pa niya.

Si Cristina ay nasa pangangalaga ngayon ng Viva Artists Agency (VAA). May dalawa na rin siyang tinapos na movie sa bakuran ng Viva Films, ang “Revirginized” with Sharon Cuneta, Albert Martinez and Rosanna Roces at ang “Gluta” with Ella Cruz and Arlene Muhlach na parehong dinirek ng millennial writer-director na si Daryll Yap. She has also guested on “Eat Bulaga’s” popular segment, ang “Bawal Judgmental”. Ang isa pang ikinatutuwa ni Cristina ay isa na rin siya sa roster of brand ambassadors ng Beautederm ni Rhea Anicoche-Tan.

Kasal nina Miko at Kaira natuloy kahit 50 lang ang bisita

DAPAT sana’y nung isang taon pa ang planned wedding ng businessman-actor na si Miko Raval at ng kanyang fiancée na si Kaira Dimatulac pero ito’y naurong to a much later date dahil sa Covid-19 pandemic. Preparado na ang lahat including the venue na nabayaran na pero hindi inaasahan ang pagkakaroon ng lockdown na nagsimula nung March 15, 2020.

Bago ang lockdown, nakahanda na ang kanilang 200 invites para sa kanilang kasal pero dahil sa pandemic ay nabago lahat. Habang pinaplano ng engaged couple (at that time) ang Plan B ng kanilang kasal, may natanggap silang magandang wedding package – from the venue, chapel, rooms, etc. rolled into one at doon na sila nagdesisyon na gawing February 1, 2021 ang kanilang kasal. Dahil nariyan pa rin ang banta ng Covid-19 coronavirus, ang kanilang original 200 guests was trimmed down to just 50 na binubuo ng kanilang immediate family members, wedding entourage and close friends. Ito’y ginanap sa Bella Rosa Gardens in Silang, Cavite kung saan naroon ang Ephesus chapel.

Sina Miko at Kaira ay college sweethearts. Pagkaraan ng pitong taon ay nag-propose ang actor kay Kaira nung January 1, 2020 habang sila’y nagbabakasyon sa South Korea on a wintertime.

Samantala, si Miko ay nagsimula sa kanyang showbiz career in 2014 sa pamamagitan ng indie movie na “Magnificence In A Bottle” na sinundan ng “Halik sa Hangin” in 2015. Tampok din siya sa dalawang TV series na pinagbidahan ni Maja Salvador sa bakuran ng ABS-CBN, ang “Wildflower” in 2017, ang “The Killer Bride” in 2019 at “Moon of Desire” in 2014.

Subscribe, like, share and press the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” and follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE