Rufa Mae suportado ng kapwa celebrities
Isang mensahe ang ipinaabot ni Rufa Mae Quinto sa kanyang Instagram followers na tila patungkol sa pinagdadaanan niya ngayon.
“Kaya pa,” ang maikli niyang pahayag sa IG post.
Matatandaang nadawit si Rufa Mae sa kasong kinakaharap din ni Neri Naig-Miranda bilang endorser ng isang skin care company.
Bukod dito ay usap-usapan nga rin na hiwalay na umano sila ng asawa niyang si Trevor Magallanes, na natsismis na naaresto sa Hawaii.
Nagpakita naman ng suporta sa kanya ang ilang celebrities pati na rin ang kanyang fans.
“Kayang kaya… IKAW PA BA!” sey ni Mariel Rodriguez.
“Kayang kaya friend!! Miss u!” ang komento naman ni Jerald Napoles.