Rufa Mae moving on sa failed marriage
Kung pagbabasehan ang bagong Instagram post ni Rufa Mae Quinto, tila moving on na ang sexy comedienne sa kanyang buhay ngayon at nais na niyang iwanan ang past para mag-start all over again.
Nag-post si Rufa Mae ng ilang bahagi ng lyrics ng kantang “Starting Now” by Brandy.
Ang nasabing awitin ay tungkol sa isang babae who’s ending a relationship and embracing her independence.
Bahagi ng lyrics na post ni Peachy (tawag kay Rufa Mae), “Starting now, there’s no room left for wondering. Got a new vision of yourself” at “say goodbye to yesterday starting now.”
Sa ibaba ng lyrics, Rufa Mae wrote, “go go gold” na tila mensahe niya sa sarili.
Matatandaang kinumpirma na ng asawa ni Rufa Mae na si Trevor Magallanes sa kanyang IG Story na hiwalay na sila at kasalukuyang nasa proseso ng divorce.
Nananatiling tikom naman ang bibig ni Rufa Mae tungkol dito at wala pa siyang pahayag hanggang ngayon.