Rufa Mae kusang sumuko sa NBI

January 8, 2025 Vinia Vivar 93 views

Kusang-loob na sumuko si Rufa Mae Quinto ngayong Miyerkules sa National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng kinakaharap niyang kaso na isinampa sa Pasay court.

Mula sa US ay lumipad sa Pilipinas ang sexy comedienne para harapin ang kanyang kaso matapos ang paglabas ng kanyang warrant of arrest.

Lumapag ang eroplano ni Rufa Mae sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Parañaque City ng pasado alas-singko ng umaga kanina, ayon sa report ng GMA.

Sinabi umano ni NAIA – NBI Chief Jimmy de Leon na nakipag-ugnayan ang abogado ni Rufa Mae sa NBI para sa kanyang boluntaryong pagsuko.

Sumailalim daw muna si Rufa sa medico-legal examination bago dalhin sa korte sa Pasay.

Matatandang ayon sa panayam kamakailan sa abogado ni Rufa Mae na si Mary Louise Reyes, kinasuhan ang kanyang kliyente ng 14 counts ng paglabag sa Section 8 ng Securities Regulation Code na similar sa isinampang kaso kay Neri Naig.

KIM TODO-EXPLAIN SA ‘DYOWA CODED’ ISYU NILA NI PAULO

KimSuper-explain si Kim Chiu tungkol sa naging talk of the town na ‘caught in the act holding hands’ nila ni Paulo Avelino kamakailan.

Matatandaang nahuli ng camera ang KimPau sa block screening ng “And The Breadwinner Is…” na magkahawak-kamay.

Well, hindi naman talaga holding hands kundi hawak ni Kim ang kamay ni Pau na parang boyfriend o asawang hinihila habang dumadaan sa likod ng camera.

Dahil dito ay kinilig nang husto ang KimPau fans at kumpirmado na nga raw na may relasyon ang dalawa.

Sa latest interview ni MJ Felipe ng ABS-CBN sa KimPau ay natanong sila kung ano ang kwento sa likod ng holding hands.

Sey ni Kim, nasa gilid lang kasi si Paulo nu’ng time na ‘yun.

“Ayaw niya talagang ano, nasa gilid lang siya. Siya talaga ang tunay na naka-mask, at naka-cap at naka-hoodie,” ani Kimmy.

“Hinila ko siya nu’n kasi, kasama din naman namin siyang manood para ano rin. Kasi nag-promise kami kay Vice na manonod talaga kami ng movie niya,” paliwanag ng aktres.

Asked about the fans’ comment na magdyowa na sila dahil sobrang kumportable na sila sa isa’t isa, natatawang sabi ni Kim, “Grabe naman ‘yung dyowa-coded.”

Paliwanag pa ni Kimmy, nakaka-tatlong project na kasi sila ni Paulo kaya talagang kumportable na sila sa isa’t isa.

Sabi naman ni Paulo, “Si Kimmy naman talaga, parang siguro, sa tagal na rin naming nagkatrabaho, naging kumportable na rin kami sa isa’t isa at kumbaga, ito na nga rin, may bago kaming pelikula, so hindi ko na rin alam ang sinasabi ko,” sabay-tawa.

Natanong din ang aktor kung ano ang reaksyon niya na laging tinutukso si Kim sa kanya sa “It’s Showtime.”

Natatawang sabi ni Paulo, “Kim, kaya mo ‘yan! Mabuti na lang, wala ako sa ‘Showtime.’”

Katwiran ni Chinita Princess, “Ganu’n lang talaga kami do’n sa ‘Showtime,’ asaran, biruan. Parang good vibes lang kami do’n, pamilya talaga.

Walang pikunan.”

AUTHOR PROFILE