Rufamae

Rufa Mae, humanay kina Ai-Ai at Pokwang

April 20, 2022 Jun Nardo 99 views

NILAYASAN ng seksing komedyana na si Rufa Mae Quinto ang buhay Amerika upang bumalik sa bansa.

Eh, mabilis din ang pangyayari sa negotiation sa Sparkle GMA Artist Center kaya naman kabilang na siya sa kuwadra ng Kapuso talent management arm.

Agad isinalang si Rufa Mae sa Mars Pa More and soon, isasalang na rin siya sa ibang projects sa GMA.

Tahimik na rin ang buhay-showbiz ni Eugene Domingo kaya naman dagdag si Rufa Mae sa hanay nina Ai-Ai de las Alas at Pokwang sa Kapuso Network.

Bukod kay Rufa Mae, pumirma na rin sa Sparkle ang Miss Universe PH na si Rabiya Mateo at kamakailan ay ini-launch ang 17 Sparkada ng Sparkle GMAAC.

SASABAK SA DRAMA

SASABAK naman sa drama ang Kapuso artist na si Mikee Quintos sa coming GMA Afternoon drama na Apoy sa Langit.

Sa nakaraang series ni Mikee, rom-com ang ginawa niyang Lost Recipe at light drama naman ang ginawa niyang The Gift.

Sa Apoy sa Langit, handa na si Mikee sa mas challenging character at makakabangga niya sa mga eksena sina Maricel Laxa at Zoren Legaspi.

Ang Apoy sa Langit ang papalit sa Prima Donnas 2.

AUTHOR PROFILE