
Ruby Ruiz hindi makalimutan si Nicole Kidman
VETERAN theater, film and TV actress Ruby Ruiz won her first acting award as Best Supporting Actress para sa pelikulang “Ekstra” (The Bit Player) in 2013 na isa sa entries sa 2019 Cinemalaya Film Festival na pinagbidahan ng award-winning actress, Star for All Seasons at dating politician na si Vilma Santos. Ang nasabing pelikula ang first indie movie ni Vi.
“Ang buong akala ko na `yun na ang first and last movie ko,” ani Ruby nang ito’y makapanayam naming kamakailan lamang na may kinalaman sa kanyang upcoming movie under Net25 Films, ang first ever senior romantic comedy film na “Monday First Screening” na pinagbibidahan ng actors-directors na sina Gina Alajar at Ricky Davao at pinamahalaan ni Benedict Mique. In the said movie ay suporta sila ng isa pang napakahusay na actor na si Soliman Cruz. Ito’y mapapanood in 100 theaters nationwide and released thru Regal Entertainment.
Ang unang international acting award na nakuha ni Ruby ay mula sa Harlem International Film Festival nung 2020 para sa kanyang pelikulang “Iska” na siya ang gumanap sa title role and directed by Theodore Boborol. The same movie gave her her first Cinemalaya Film Festival Best Actress trophy in 2019.
Dahil sa pelikulang “Iska,” the movie brought her to different international film festivals sa iba’t ibangbansa, one experience na hinding-hindi niya makakalimutan.
Bago pa man ginawa ni Dolly de Leon ang kanyang first international movie, ang “Triangle of Sadness” which earned for her a Best Actress nomination sa Golden Globe Awards in 2022, ay nagawa na ni Ruby ang kanyang first international project in 2020, ang 6-part TV series na “Expats” which co-stars her with Nicole Kidman, Sarayu Blue at Jack Huston at pinamahalaan ng US-based Chinese filmmaker na si Lulu Wang (of “The Farewell”). Ruby plays the role of a nanny (Essie) to Nicole’s character. The said series will premiere this coming September 8, 2023. Bukod sa kanyang pagiging lead star in the series, si Nicole rin ang tumatayong executive producer nito under her own Blossom Films Production company.
“Doing the series with Nicole (Kidman) and the rest of the cast, the director and the production people was an experience na hinding-hindi ko makakalimutan,” deklara ni Ruby.
“Nicole (who is an American-Australian award-winning actress and producer) and the rest of the cast were all professional na katrabaho,” dugtong pa ni Ruby na excited nang mapanood ang serye which will premiere on Amazon Studios this September.
The series was shot for almost a year, six months in Hong Kong and five months in Los Angeles, California where Ruby met and made new friends.
Although nagsimula at lumaki sa entablado ng Philippine Educational Theater Association (PETA) si Ruby, ang makapag-cross over sa pelikula ay telebisyon ay pangarap ng bawat stage actor.
Magmula nang gawin ni Ruby ang indie movie na “Ekstra” at TV series na “The Greatest Love” na launching TV series ng veteran actress na si Sylvia Sanchez in a lead role, nagtuluy-tuloy na ang showbiz career ng mahusay na aktres sa paggawa ng iba’t ibang TV series and full-length movies.
Ruby was also part of various movies and TV series tulad ng “The Bourne Legacy,” “Almost Paradise,” “The Iron Heart,” “Beks: Days of Our Lives,” “Single Bells,” “Sitio Diablo,” “The Influencer,” “Ginhawa,” “Angkas,” “Limited Edition,” “A Faraway Land,” at iba pa.
Pero tulad ng iba’tibang character o papel na kanyang ginagampanan sa pelikula at telebisyon, tila pampelikula o di kaya pang-drama anthology ang kanyang buhay.
Ruby is now a single mother who single-handidly raised her two children. She’s now separated from her husband of thirteen years. She was a battered wife.
Lahat ng hirap ng isang ina ay pinagdaan na umano niya magmula nang lisanin niya ang kanilang tahanan bitbit ang kanyang dalawang anak na maliliit pa noon. Nakitira umano siya at ang dalawa niyang anak sa iba’t ibang mga kaibigan at nagsusuot ng mga damit na bigay sa kanila ng mga ito.
Kahit may magulang at mga kapatid si Ruby, nahiya umano siyang humingi sa kanila ng tulong dahil ayaw umano niyang malaman nila ang kanilang pinagdadaanan ng dalawa niyang anak.
Whatever luxury items she had nung nagsasama pa sila ng kanyang dating mister ay kanya umanong iniwan tulad ng sasakyan at mamahalinng mga gamit. Natuto umano silang mamuhay ng payak ,nagku-commute at salat sa pagkain at mga kagamitan.
“I started from scratch,” aniya.
“I’m just thankful na ang mgakaibigan ko sa teatro helped me hanggang unti-unti akong makabangon,” pahayag pa ni Ruby.
Judy Ann patuloy na pinagkakatiwalaan bilang endorser
ANG award-winning actress, chef, restaurateur at celebrity endorser na si Judy Ann Santos ang pinakabagong brand ambassador ng Alaska and was launched as the new face ng nasabing milk brand sa isang grand event na ginanap sa Blue Leaf in McKinley, Taguig City nung nakaraang Biyernes, August 25 ng tanghali.
Having been in showbiz for nearly four decades, Juday (as she is fondly called in showbiz) started out as a child star when she was eight years old. Pero ang kanyang pagiging star ay nagpatuloy hanggang sa kanyang pagiging teen-ager and on to her adult stage.
Halos lahat (if not all) ng kanyang mga ginawang pelikula ay naging box offce hits at top-rating naman ang kanyang mga teleserye.
As a person, kilala si Juday sa pagiging mabait, down-to-earth at mapagmahal na anak, kapatid, asawa, ina at kaibigan.
Juday fell in love with her “Krystala” co-actor na si Ryan Agoncillo. The couple started dating in 2004, got engaged in 2008 and eventually got married on April 28, 2009 in a very private wedding held in San Juan, Batangas. Ang mag-asawa ay may tatlo nang anak, ang kanilang adopted daughter na Yuan (Johanna Louise), Lucho (Juan Luis) at Luna (Juana Luisa).
Masaya ang pagsasama ng mag-asawang Juday at Ryan kapiling ng kanilang tatlong anak. Kahit pareho silang working parents, the couple makes it a point that they spend quality time with their children.
Isa si Juday sa maganda ang imahe hindi lamang sa showbiz kundi maging sa publiko kaya hanggang ngayon ay hindi nawawala ang tiwala sa kanya ng iba’t ibang kumpanya na kunin ang kanyang serbisyo bilang brand ambassador ng kanilang prime products at kasama na rito ang Alaska, isang produkto na matagal na ring pina-patronize ni Juday at ng kanyang pamilya.
“Masarap mag-endorse sa isang produktong pinaniniwalaan mo at ng iyong pamilya bukod pa sa ito’y essential sa inyong pang araw-araw na pangangailangan sa bahay,” ani Juday na busy rin ngayon sa iba’t ibang proyekto sa pelikula at telebisyon.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@astermoyo and Twitter@aster_amoyo.