Ruby Rodriguez

Ruby gusto pa ring mag-showbiz sa Pilipinas kahit may trabaho na sa Amerika

June 1, 2021 Aster Amoyo 99 views

ANG actress-comedienne and TV host na si Ruby Rodriguez was presented in a digital presscon by Viva Artists Agency (VAA) recently bilang pinakabago sa kanilang lumalaking pamilya ng mga artist. Nasa Los Angeles, California si Ruby nang siya’y humarap sa entertainment media.

Kamakailan lamang ay nag-post si Ruby sa kanyang pagsisimula ng bagong trabaho sa Philippine Consulate in Los Angeles, California, USA at sinabi nito na dumaan umano siya sa proseso – she submitted her resume at luckily for her, siya’y natanggap. Pero kung ano ang kanyang posisyon at ginagawa sa Philippine Consulate ay hindi niya umano puwedeng i-share sa publiko dahil ito’y confidential. She stays with her eldest daughter na si Antoinette ‘Toni’ Aquino na may trabaho na sa Amerika. Sa Amerika na rin naka-base ang mga kapatid ni Ruby. Pasunod naman sa Amerika ang husband ni Ruby na si Mark Anthony at bunso nilang anak na may rare disease, si AJ (Antonio Jesus) sa buwan ng August.

Kahit nasa Amerika naka-base ngayon si Ruby ay bukas pa rin siya sa kanyang showbiz career sa Pilipinas at maging sa kanyang pagbabalik sa hosting job sa “Eat Bulaga” (kung saan siya kabilang sa loob ng 30 years) kung siya’y pababalikin sa programa.

It was only last March before the second lockdown nang lumipad patungong Amerika si Ruby pero na-extend ang kanyang stay dahil sa panibagong lockdown. Hihintayin niya ang pagdating sa Amerika ng kanyang mag-amang Mark at AJ dahil kailangang ipasuring muli ang huli sa rare disease nito, ang Henoch-Schonlein purpura (is a disorder that causes the skin, blood vessels, spines, joints, intestines and kidneys to become inflamed and bleed).

Kahit nasa Amerika si Ruby, she is regularly in touch with her family and friends in Manila lalung-lalo na sa kanyang best friend (sa “Eat Bulaga”) na si Pauleen Luna-Sotto at sa mister nitong si Vic Sotto.

Since tapos sa kanyang pag-aaral si Ruby at naging pre-school teacher siya bago pumasok sa showbiz, marami umano siyang puwedeng gawin pero hindi nito ikinakaila na hinahanap niya ang showbiz kaya siya lumagda ng management contract with Viva.

“Ipinauubaya ko na sa kanila ang pamamahala sa showbiz career ko diyan sa Pilipinas,” ani Ruby.

Bago lumipad patungong Amerika si Ruby ay tinapos niya ang isang TV series sa GMA, ang “Owe My Love” na tinatampukan nina Lovi Poe, Benjamin Alves at Ai-Ai de las Alas.

Klinaro rin ni Ruby na kahit identified siya sa GMA dahil sa “Eat Bulaga,” isa umano siyang freelancer and can work with any one and in any TV network.

Hindi naman naiwasan ni Ruby ang maiyak nang banggitin ang pangalan ng kanyang elder sister na si Dra. Sally Rodriguez-Gatchailan na isa sa mga frontline doctors na nasawi nung March 26, 2020 dahil sa Covid-19.

Nung nabubuhay pa si Dra. Gatchalian ay ito ang tumayong pangulo ng Philippine Pediatric Society of the Philippines and an infectious disease specialist. Siya rin ang deputy director ng Research Institute of Tropical Medicine.

She was such a great loss to me and my family,” pag-amin ni Ruby.

“Kami na lang dalawa ang nasa Pilipinas noon dahil lahat ng iba naming mga kapatid ay lahat narito na sa Amerika,” pagbabahagi pa ni Rudy.

Since ulilang lubos na kami sa parents, si Ate Sally ang tumatayo kong second mother at napakalaki rin ng tulong niya kay AJ. Siya ang takbuhan ko,” ani Ruby na naiiyak sa tuwing naalaala ang nakatatandang yumaong kapatid.

“Sumama rin siya sa amin ni AJ sa check-up at pagpapagamot niya rito sa Amerika. Siya ang kausap ng mga doctor,” patuloy ng actress-comedienne-host.

Since nasa Philippine Consulate sa L.A. nagtratrabaho ngayon si Ruby ay hindi umano nawawala ang photo opp (selfie) sa mga kababayan nating Filipinos na nagsasadya sa konsulada na hindi naman niya ipinagkakait.

Mga anak nina Mark Anthony at Claudine nasa showbiz na rin

ALMOST 16 years later ay muling magtatambal sina Claudine Barreto at Mark Anthony Fernandez na nanatiling magkaibigan after their break-up nung sila’y mga bata pa. Ito ay sa pelikulang “Akusada” (dating The Comerback Queen) na pamamahalaan ng premyadong director na si Joel Lamangan mula sa panulat ng writer-director na si Easy Ferrer. Makakasama rin sa nasabing pelikula sina Alfred Vargas, Kara Madrid at iba pa. Ito’y joint project ng Viva Films at Borracho Films ni Atty. Fedrdinand Topacio.

Unknown to many, si Claudine ang nagdala kay Mark Anthony sa Viva kung saan din naka-kontrata ngayon ang kanyang mom, ang dating sexy star at dating politician na si Alma Moreno maging ang kanyang half-siblings na sina Vandolph Quizon at Vitto Marquez.

Samantala, kung nag-aartista na ang kaisa-isang anak ni Mark Anthony na si Grae Fernandez, hindi malayong pasukin din ng showbiz balang araw ng anak nina Claudine at Raymart na si Santino Santiago.

“Sa ngayon ay wala pa akong nakikitang sign na magsu-showbiz si Santino,” pahayag ni Claudine.

“Pero kapag dumating ang panahon na gusto niyang mag-showbiz ay hindi ko siya pipigilan,” dugtong ng actress.

Ang panganay naman ni Claudine na si Sabina ay mahilig sa dancing at pangarap nitong mapabilang sa isang dance group tulad ng G-Force.

“Kung ano ang mga pangarap ng mga anak ko ay susuportahan ko,” deklara ni Claudine.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE