ruby

Ruby, bukas sa pagbabalik-‘Bulaga’

June 1, 2021 Ian F. Fariñas 226 views

BUKAS pa rin ang pinto ni Ruby Rodriguez sa posibilidad ng pagbabalik sa Eat Bulaga matapos aminin sa virtual mediacon na bigay ng bago niyang home studio na Viva Artists Agency na “management decision” ang pagkawala niya sa programa bago pa man siya nakapag-file ng leave of absence para asikasuhin ang medical needs ng anak at makapagtrabaho sa Philippine Consulate sa Amerika.

Hindi man nakapagpaalam sa lahat ng Dabarkads, sinabi naman ni Ruby na alam ng matalik niyang kaibigan na si Pauleen Luna, pati sina Vic Sotto, Luanne Dy at Allan K, ang plano niyang umalis ng bansa.

Paliwanag ng comedienne-TV host, “Kasi nga nagbu-Bulaga pa naman nu’ng March nu’ng biglang nagpandemya, so pa’no ka magpapaalam sa kanila?

“Tapos nu’ng nakausap ko si Boss (Antonio Tuviera, may-ari ng TAPE, Inc., produ ng EB), ’di pa ako nagpa-file ng leave. Ano pa lang, verbal pa lang, ’yung agreement pa lang namin. Kasi ipa-file ko ’yung leave ng March kung aalis na ako. Eh, ’di pa naman ako aalis kasi I was to file it a month before I leave.

“So ’yung mga tanong ng iba, ‘tinanggal ka ba o ikaw ang umalis?’, hindi ako umalis kasi nagpaalam ako na magli-leave of absence lang ako.

Ang sabi sa akin ni Mr. Tuviera noon, eh, ‘you will always have a home here in Eat Bulaga.’ At siyempre, inasahan ko ’yon.

“So when they started to go on air, it’s their decision kung sino pababalikin nila. So hindi ko alam, ang makakasagot lang kung tinanggal ako o hindi ay sila. That’s why I always say, ‘please ask them.’ I don’t know how they will answer it if they’re going to say I took a leave, hindi ko pa napa-file…”

Patuloy ni Ruby, “It’s management decision and we always respect that. So with regards to ‘did they take you out just like that, did they drop you like a hot potato?’ I think it’s them who can answer that.”

Nang tanungin kung masakit ba para sa kanya ang biglaang pagkawala sa programa, hindi siya agad nakasagot.

Pero bawi niya, “Hindi ko alam kung pain ang word or disappointed. Kasi siyempre, you know, I’ve been with you for 31 years, just like that. I mean, walang pagpapahalaga ba? I mean, ’yun ’yung naging question ko lang. But you know, I dont know, honestly, malay mo naman, na pagbalik ko, ’di ba? Hindi natin alam. But, of course, we always do not close the door, you know. We do not close the door. And I don’t know what’s going to happen because right now, I’m with Viva so whatever Viva decides for me. If they decide that I do this, then I do that.”

Actually, balik-Viva si Ruby dahil sabi nga niya, sa kumpanya ni Boss Vic del Rosario naman talaga siya nagsimula ng kanyang acting career.

Hindi magiging sagabal ang pananatili niya sa Amerika at pagkakaroon ng day job doon dahil anytime na tawagan siya para sa isang project, pwede raw siyang magpabalik-balik ng US at Pilipinas.

“Style Hollywood tayo, kung talagang worth it, you can always fly back and fly in. Lakas maka-Angelina Jolie, lakas maka-Hugh Jackman,” natatawang sabi ni Ruby.

Dagdag pa niya, “Viva built my career in acting and the movies. Of course, Vic Sotto, Okay Ka, Fairy Ko. Maricel Soriano really opened the door but Viva sealed the deal. Ngayong nasa medyo ibang chapter na tayo, I think Viva shld handle my career ’cause they know everything about me.”

Tungkol naman sa anak niyang si AJ, sa July pa magtatapos ang klase nito sa SPED pero may ticket na sila ng mister ni Ruby na si Mark patungong Amerika sa August.

“Matagal na po kaming nag-migrate, ’di lang ako nagpe-permanently stay,” tukoy ni Ruby sa status nila. Si Mark at ang kanilang mga anak, pulos American citizen habang siya naman ay 10 years nang permanent resident.

“My son is a special student and aside from that, meron pa po siyang autoimmune disease na ang tinitira is the kidney,” kwento pa ni Ruby.

Sobrang rare nga raw ang sakit ni AJ na sa murang edad ay na-damage na ang kidneys. Kaya naman ang payo ng mga doktor nito sa ’Pinas ay dalhin na ang bagets sa Amerika kung saan mas advanced ang technology at may better medication.

Ang iniiwasan daw nina Ruby at ng mga doktor ay ang mauwi sa pagda-dialysis o kaya naman ay kidney transplant si AJ.

“Family first,” katwiran ng komedyana sa desisyon niyang umalis at magtrabaho sa Amerika.

Nang tanungin kung bukas siya sa acting assignments habang nasa ibang bansa, oo agad ang sagot niya.

At nang malaman na may balak ang megastar na si Sharon Cuneta na magtayo ng production outfit doon, sinabi ni Ruby na kung kukunin siya ni Sharon, “I’d do it. Of course, you know, I will do it if they get me. Why not? And Viva can still handle it for me. Yeah, why not?

Because I can still do both, sa trabaho ko ngayon, bawal ka magtrabaho ng iba kung parehong (linya). But if I do (something) like acting, it’s totally different from my job item.

We will work on it, kaya naman,” pahayag pa niya.

Bet daw ni Ruby ang Pinoy-themed projects na pawang positive naman ang ipapakita sa mga Pinoy abroad at hindi lamang tungkol sa pagiging “TNT” o domestic help.

Giit niya, “I think we have to uplift naman, were very educated people.”

AUTHOR PROFILE