REC Personal na inihatid ang mga donation ng Royal Eagles Club sa pangunguna nina Mike Chua, Mk Lao,Weishun Wu, Kenny Yang Cruz,Hong Jiancong, Jackson Danilo at Jimmy Wang sa mga nabiktima ng sunog sa Valenzuela. Kuha ni JON-JON REYES

Royal Eagles Club nag-donate sa mga nasunugan sa Valenzuela

November 6, 2021 Jonjon Reyes 59 views

PERSONAL na nagtungo ang grupong Royal Eagles Club “Matatag” sa Karuhatan Lungsod ng Valenzuela upang magbigay ng tulong sa mga biktima ng sunog na pansamantalang nanunuluyan sa Serrano Elementary School.

Ang Royal Eagles Club donation ay pinangunahan nina Mike at Jimmy Chua, Mk Lao,Weishun Wu, Kenny Yang Cruz, Hong Jian, Jackson Ong, Kevin Tan Zeng Taijian Fei long, Bai lu, Danny Sy, Huanghua Chu, Reynold Co, Robert Flores at Jimmy Wang.

Personal nilang inihatid at ibinigay ang mga donation kay Efren Choy Alas, ng NCR Governor of the Fraternal Order Eagles, Aries Suarez, at Maam Baby, Chartered President ng Matatag Royal Eagles Club ng Camp Aguinaldo.

Layunin ng grupo na tumulong sa mga biktima ng anumang kalamidad tulad ng sunog,lindol at mga bagyo. Sila ay handang tumulong sa kanilang maliit na kaparaanan. Layunin rin nilang maihatid ng personal ang kanilang mga donations tulad ng bigas, kape, gayas, noodles at tubig.

Umabot sa mahigit 100 pamilya ang nabiyayaan ng tulong ng nasabing grupo. Lubos naman ang pasasalamat ng mga biktima ng sunog sa Valenzuela.

AUTHOR PROFILE