Will Devaughn

Roxanne ayaw pa ring ipakita ang mukha ng asawa

May 28, 2021 Aster Amoyo 513 views

KUNG gaano ka-open ang relasyon noon nina Roxanne Barcelo at Will Devaughn ay siya namang ka-sikreto ang identity ng non-showbiz husband ngayon ng singer-actress at ex-PBB housemate.

Naging open book ang relasyon noon nina Roxanne at model-actor at ex-PBB housemate na si Will na tumagal ng limang taon pero nung January 2018 ay ipinaalam ni Roxanne na hiwalay na sila. Hindi siya nag-cite ng reason ng kanilang paghihiwalay.

In early 2019 ay ipinakilala ni Will ang kanyang bagong partner, ang international host na si Cay Kujipers at kasunod na rito ang pagsilang ng kanilang first baby nung November 9, 2019 na si Magnus Orion.

It was in December 2020 nang i-post ni Roxanne ang picture nila ng kanyang husband sa kanyang Instagram account pero hindi kita ang mukha ng guy na isa umanong foreigner. Hindi rin ibinahagi ni Roxanne ang pangalan ng kanyang husband na ama ng kanilang magiging unang baby.

Since non-showbiz ang kanyang husband, gusto ng singer-actress na ibigay dito ang privacy na kailangan nito.

Last May 26 ay kaarawan ng husband ni Roxanne at ito’y kanyang binati sa kanyang social media account na may kalakip ng isang picture them kissing pero tinakpan ang mukha ng kanyang mister ng panda emoji.

Hanggang kelan kaya itatago sa publiko ni Roxanne ang identity ng kanyang mister?

Barbie at Jak nag-celebrate nang magkahiwalay

Barbie Forteza
Barbie Forteza

ANG Kapuso young star na si Barbie Forteza (23) ang pinakabagong celebrity na tumanggap ng gold play button plaque matapos ma-hit ng kanyang YouTube channel ang 1M subscribers.

Ito ay magsisilbing pre-birthday gift niya sa kanyang sarili. She turns 24 on July 31.

Kuntento si Barbie sa kanyang buhay ngayon dahil bukod sa patuloy na gumaganda ang takbo ng kanyang career ay getting stronger din ang takbo ng kanyang lovelife. Just a couple of days ago ay nag-celebrate (separately) ang magkasintahan ng kanilang 4th anniversary. Although hindi magkasama ang dalawa sa kanilang anniversary, nagpadala ng food si Jak sa kanyang girlfriend at family nito.

Lani at mister hindi pa rin magaling

Lani Misalucha
Lani Misalucha

HINDI madali ang pinagdaanan ng tinaguriang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha (51) and her husband na si Noli Misalucha matapos silang mag-asawa kapitan ng bacterial meningitis nung nakaraang October na naging dahilan kung bakit sila pareho na-ICU. Apektado ang pandinig ng mag-asawa lalung-lalo na si Noli habang hindi naman nakakarinig sa kanyabng right ear si Lani.

Semi-disabled and with vestibular dysfunction ang description ni Lani sa kanilang mag-asawa ngayon dahil hindi na sila puwedeng magmaneho, mag-grocery at lumakad na walang kasama.

Ito rin ang naging dahilan kung bakit hindi natapos ni Lani bilang isa sa mga hurado ng “The Clash” reality singing competition ng GMA nung isang taon.

Bago kinapitan ng bacterial meningitis ang mag-asawa, na-stroke at sumailaim ng triple by-pass operation si Noli nung nakaraang August 2020.

Pero sa kabila ng kapansanan ni Lani sa kanyang pandinig, muli silang magsasama ng Concert King na si Martin Nievera sa isang virtual concert na pinamagatang “New Day” (title courtesy of Martin) na mapapanood mula sa The Theater of Solaire on June 5, 8 pm (PST and US time) at June 6, 8 p.m. sa Pilipinas. Ito’y produced ng Starmedia ni Anna Puno with Paolo Valenciano directing the show habang si Louie Ocampo naman ang tatayong musical director. Ito’y mapapanood sa KTX.ph at iba’t ibang platform ng TFC.

Samantala, patuloy na nananalangin at umaasa ang mag-asawang Lani at Noli sa kanilang tuluyang paggaling.

AUTHOR PROFILE