rosemarie

Rosemarie namaalam na

January 17, 2022 Aster Amoyo 802 views

rosemariedeveraKAHAPON nang umaga, January 16 ay nag-post ang anak ng LA-based na dating beauty queen actress na si Rosemarie de Vera.

“Hello everyone. This is her (Rosemarie de Vera-Javier) son, Vanross. On January 15th, 9:05 p.m., my mother Rosa Maria de Vera-Javier passed away from her 2-year fight with cancer. The family is devastated by the news and I’m sure those who knew her, are too. I want everyone to know that she was one of the brightest lights in my and many others’ lives. And that her capacity to love had no limit. She loved you all. I truly believe that. Just know that she is not suffering anymore and she’s watching us all from a better place. Details on her wake will be posted at a later time. God bless you all.”

Nung nakaraang December 11, 2021 ay nag-post sa FB page ni Rosemarie ang mister niyang si Giovanni Javier ng update sa kalagayan ng kanyang may sakit na misis.

“I am the husband of Rose, Giovanni Javier. I just came back from the hospital last night. Nag-spread na sa brain `yung cancer ni Rosemarie. Hindi magandang balita. Sabi ng doctor, she might not reach next Christmas. “

We were still working at Vicor Music Corporation (1977) owned and managed then by first cousins Vic del Rosario, Jr. and Orly Ilacad nang mapalapit kami sa young singer-actress then na si Rosemarie de Vera na laging kasama ang kanyang napakabait na mom. Nagkikita rin kami noon sa “Vicor on Review,” isang live radio show featuring Vicor talents hosted by Kabayan Noli de Castro and produced by the late Johnny de Leon which I coordinated. Kahit hindi Vicor talent si Rosemarie ay madalas ko siyang isama sa line-up of guest performers. It was held in one of the studios ng dating ABS-CBN with live audience at napapakinggan sa radio.

When I moved to OctoArts matapos maghiwalay ang magpinsang
Vic and Orly, Rosemarie and her mom would often pay me a visit sa aking dating tanggapan. Since close sa akin ang mag-ina, I would sometimes include the late singer-actress sa ibang shows featuring OctoArts talents. Naputol lamang ang aming komunikasyon when she finally moved to the US in the late 80s until the time of her death.

It was in 1977 nang magsimula siyang makagawa ng pelikula sa pamamagitan ng “Alas Tres ng Hapon…Lumuhod ang Maton” na sinundan ng “Kampus” in 1978, “Jack & Jill of the Third Kind,” “Sa Putik Ihuhugas ang Dugo,” “Palawan,” “Sierra Madre,” “Alfred Sebastian,” “Sambahin ang Ngalan Mo,” “Hunk Hunter,” “Target: Batang Sindikato,” “Dope Godfather,” “Life Begins at 40, “Atsay Killer Buti Nga Sa `Yo,” “Berong Bulag,” “Blood War,” “Barbaro Santo” at iba pa.

Nung 1980 ay kinoronahan siyang Mutya ng Pilipinas. Naging 1st runner-up din siya sa Miss Asia Pacific.

Ang aming taos-pusong pakikiramay sa pamilyang iniwan ni Rosemarie.

rk bagatsingRK at Jane nakarecover na

IT was only last May 2021 nang i-share ng magkasintahang RK Bagatsing at Jane Oineza ang kanilang relasyon and from then on ay naging bukas na ang dalawa sa pagbabahagi ng kanilang mga happy moments together pati na ang kanilang pagpapalagay ng smiley tattoo sa kanilang daliri. Kamakailan lang din ay nag-positibo sa Covid-19 ang magkasintahan pero naka-recover last January 12.

Jane started her showbiz career bilang child actress. Siya’y naging bahagi ng dating kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” at naging ex-PBB housemate at kasalukuyang contract artist ng Star Magic.

Si RK naman ay nakababatang kapatid nina Raymond Bagatsing at dating Kapamilya actress na si Monina Bagatsing na naka-base na ngayon sa Amerika.

It was in 2012 nang maging bahagi si RK sa pelikulang “Slumber Party” na sinundan ng “The Guerrilla is a Poet” in 2013, “K’na The Dream Weaver” in 2014 at “Apocalypse Child” in 2015. Nung 2014 ay nagkaroon siya ng guest appearance sa TV series ng Kapuso network, ang “The Half Sisters” ganoon din sa isang episode ng “Wagas: A Transgender’s Love” but moved to ABS-CBN in 2016 nang siya’y mapasama sa cast ng “Be My Lady” na pinagbidahan ng dating magkasintahang Erich Gonzales at Daniel Matsunaga. Ang biggest break sa kanyang career ay dumating nang kanyang gampanan ang papel ni Arnulfo Ardiente Torribio sa hit afternoon TV series na “Wildflower” na pinagbidahan ni Maja Salvador. Ito’y nasundan ng “Nang Ngumiti ang Langit” in 2019 at “Huwag Kang Mangamba” nung isang taon.

Sina RK (who is Ramon Khino San Diego Bagatsing in real life) (33) at Jane (25) ay unang nagkalapit sa isa’t isa nang sila’y magsama sa pelikulang “Us Again” in 2020.

moninaNasaan na si Monina Bagatsing?

NASAAN na ba ngayon ang dating Kapamilya actress na si Monina Bagatsing?

Si Monina ay nakababatang kapatid ng actor na si Raymond Bagatsing at ate ni RK Bagatsing.

Ang dating aktres ay naka-base na ngayon sa New York City with her American husband.

Si Monina ay naging bahagi ng hit drama TV series na “Esperanza” na tinampukan nina Judy Ann Santos at Wowie de Guzman (February 17, 1997 – July 30, 1999). Kasama rin siya sa seryeng “Sa Sandaling Kailangan Mo Ako” in 1998 at “Pangako sa `Yo” in 2000. Nakagawa rin siya sa GMA ng serye, ang “Sana ay Ikaw na Nga” pero muli siyang gumawa ng “Spirits” sa ABS-CBN in 2005. Nang magtapos ang serye ay lumipad siya patungong Amerika to try other things. Sampung taon siyang namirmahan sa San Francisco, California bago siya nag-relocate sa Big Apple (New York City) in 2015. She works as Global Regulatory Affairs Strategist.

Tulad ng kanilang Kuya Raymond, very proud so Monica sa kanyang nakababatang kapatid na si RK na kilala na rin ngayon bilang isang mahusay na actor.

sittiSitti kinapitan din ng virus 

PARAMI nang parami pa ang celebrities na kinakapitan ng coronavirus at isa sa kanila ay ang bossa nova singer na si Sitti Navarro. Dahil dito, kailangan niyang mag-isolate sa kanyang almost four-month old baby na si Osseah Lucille, sa kanyang three-year-old son na si Issaiah Danelle maging sa kanyang mister na si Joey Ramirez at iba nilang mga kasama sa bahay.

Napakarami nang mga kilalang personalidad ang kinapitan ng virus tulad nina Pia Wurtzbach, Morissette Amon, Candy Pangilinan Shaina Magdayao, at marami pang iba.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE