
Rosemarie at Eddie dumayo sa Siargao para kay Andi
Sa gitna ng pinagdadaanan ngayon ng relasyong Andi Eigenmann at Philmar Alipayo, nagpakita ng suporta ang lola’t lolo ng aktres na sina Eddie Mesa at Rosemarie Gil para sa pamilya ng kanilang apo.
Ibinahagi ni Andi ang mga larawan ng kanyang grandparents na kasalukuyang nasa Siargao.
Sa kanyang Instagram Story ay makikita ang senior showbiz couple na naglalakad sa kalye ng neighborhood ni Andi.
Caption ng aktres, “mama & papa walking on the streets of my neighborhood.”
Sa isang picture naman ay makikita si Rosemarie kasama ang panganay na anak ni Andi na si Ellie.
May larawan din si Rosemarie kasama naman ang dalawang anak nina Andi at Philmar.
Nag-viral agad ang post ni Andi at pinuri-puri ng netizens ang mag-asawang Rosemarie at Eddie sa pagsuporta kay Andi.
“What a love from her grandparents. Wala na si Jaclyn Jose at Mark Gil (Andi’s parents) and they know na need ngayon ni Andi ng emotional support,” sey ng isang netizen.
“They are there to support them both (andi & philmar). Wag ng gatungan ang apoy ng mga netizens na hindi parte ng buhay nila,” sabi naman ng isa pa.
Matatandaang ni-reveal ni Andi a few days ago sa social media ang betrayal umano ng kanyang friend na nag-encourage kay Philmar na magpalagay ng matching tattoes.
Kasunod nito ay nilinaw agad ni Andi na alam niyang never na nag-cheat sa kanya ang partner at ang girl ang kanyang kinokondena na hindi nirerespeto ang relasyon nila ni Philmar.
WINWYN MASAYA SA PAGKAPANALO NI DIA
Wagi ang Philippine representative na si Dia Mate sa Reina Hispanoamericana 2025 na ginanap sa Bolivia nitong nakaraang Sunday, February 9 (morning of Feb. 10 in the Philippines).
Nasungkit ng Cavitena beauty ang korona, making her the second Filipina to win the title after Winwyn Marquez in 2017.
Tinalo ng girlfriend ni JK Labajo ang 24 na kandidata mula sa iba’t ibang bansa.
During the Q&A portion, Dia was asked: “What values do you think are the most important to our society, and why do you think this is important?”
Sagot niya, “I think the most important value that we should have is kindness. In my experience here in Bolivia, Latinas have shown me so much kindness and so much love even though racially I am not Latino.
“And the most beautiful thing I’ve noticed is that even though we don’t speak the same language, we share the same culture, same heart, and same faith in God.
“And I hope this shows everybody that if we use kindness we can show that we are all the same and can create a better world and a better society for us all.”
Masayang-masaya naman si Winwyn sa pagkakapanalo ni Dia. Aniya sa kanyang Instagram Story, “OMG! I’m so happy! Congrats Reina @diaxmate.”
Sey pa niya, “I knew it. Unang usap pa lang namin, alam ko mananalo siya.”
Of course, masayang-masaya rin si JK sa pagkakapanalo ng girlfriend. Nag-post siya ng larawan ni Dia wearing her evening gown during the competition at caption naman niya, “congratulations baby!”
Prior to the coronation night ay si Dia rin ang nagwagi ng National Costume award.
On her Instagram, paliwanag ni Dia sa kanyang winning gown designed by Ehrran Montoya, “This Philippine National Costume beautifully merges the country’s heritage and tradition. Inspired by the Baroque Churches of the Philippines, the gown is adorned with over 150,000 crystals, mimicking the vibrant stained glass windows. Gold Mindanao Okkir patterns embellish the design, symbolizing indigenous artistry. A salacot headpiece, traditionally worn by farmers, adds an agricultural touch, while feather pen and lamp accessories celebrate the muses of Filipino poetry. The gown’s train features the intricate craftsmanship of rattan furniture, honoring Filipino artisanal skill. This costume is a stunning tribute to the nation’s rich cultural legacy.”