Roselle pinatatag ni Mother Lily… iconic film produ nailibing na
NAIHATID na nga sa kanyang huling hantungan ang Regal Films matriarch na si Mother Lily Monteverde katabi ng puntod ng mister niyang si Father Remy sa Heritage Park, Taguig City kahapon.
Nakipaglibing ang ilang sikat na personalidad na natulungan at napasikat ng iconic film producer tulad nina Judy Ann Santos, Maricel Soriano, Direk Chito Rono, Direk Erik Matti, atbp.
Naroroon din ang malalapit na kaibigan ng pamilya Monteverde gaya nina Annabelle Rama, Ricky Davao, Veanna Fores, Cory Vidanes at marami pang iba. \
Nitong mga huling gabi ng wake sa Valencia Events Place, isa-isang nagpugay ang Regal Babies na sina Aga Muhlach, Richard Gomez, Maricel Soriano, Janice de Belen, Herbert Bautista, Claudine Barretto, Ara Mina, etc.
Gaya ng inaasahan, madamdamin ang tribute na ibinigay ng anak ni Mother na si Roselle Monteverde sa huling gabi ng lamay.
Binalikan niya ang alaala nilang mag-ina, lalo na nu’ng panahong kinailangan niyang magpunta ng Amerika in 1982.
Aniya, “Through the years, naging ano ko siya, eh, naging gabay. Siya talaga ‘yung naging foundation ko. Siya ‘yung naging puso ko, inspirasyon ko. Siya ‘yung lakas ko. Kahit naman nu’ng sa Amerika, I mean, you know, she brought me there because, you know, I became a single mom.
“So she gave me the courage, ‘’wag mong palaglag ‘yan. No. Punta tayo…’ So I went (to the US), she went with me. Tinulungan niya ‘ko kahit tumira kami sa bahay ng mga kaibigan lang niya, tumira kami du’n, ‘di ba? So, she really showed me how to be strong — strong as a person, strong in faith in the Lord — kaya siguro kahit anong battle pa, ipinakita sa akin ng mommy ko, kahit anong challenges pa meron d’yan, pwede mong ipaglaban sabay, kakayanin mo ‘yan lagi.
“Because of that, what she did to me, any challenges, anything that I have a hard time doing, everytime I remember those experiences that she was with me, naging malakas akong tao. Kaya nagpapasalamat ako sa’yo, Mommy, sobra akong nagpapasalamat.”
Ipinaliwanag din ni Roselle, na siya nang nag-take over sa pamamahala ng Regal Entertainment, kung bakit sa Valencia Events Place ginawa ang wake.
Ayon sa kanya, isang lugar ‘yon na very close sa puso ni Mother.
Kwento niya, “Lahat ng ‘yan binili niya, lahat, hands on siya. Siya ang nag-design nito, lahat ng chandelier na ‘yan, siya ang nagpakabit n’yan, di ba? So ‘yun talaga ang personality niya, she’s very hands on. Lahat ng mga kung anong gusto niya, gagawin niya, kung ano gusto niyang bilhin. Kaya ‘yung bahay niya, puro gamit. Puro gamit kasi … hindi ka na nga minsan makadaan, lalo na sa second floor kasi puro gamit. Kahit sa mga shooting naman ‘yung mga gamit sa prop, mismo siya bumibili. Ganu’n siya talaga ka-hands on.”