Default Thumbnail

Rose Lin nilinis ang pangalan

September 17, 2021 People's Tonight 391 views

NAKIUSAP at umapela si Rose Nono Lin kay Sen. Richard Gordon para tanggalin sa mga posts ni Sen. Risa Hontiveros na diumano’y maling impormasyon sa kanilang pamilya, lalo na at may mga batang damay. Ito ay para umano maprotektahan ang kaniyang mga menor de edad na anak.

Matatandaang iniuugnay ni Hontiveros ang pamilya ng maybahay na si Lin sa naganap na Senate hearing ukol sa diumano’y overpriced na pagbili ng PPE ng pamahalaan sa kasagsagan ng pandemya.

Ayon kay Lin, dumalo siya sa pagdinig ng Senado para mabigyan ng pagkakataon na linisin ang kanyang pangalan, matapos ang ilang linggong pag-atake umanosa kanya at kanyang pamilya.

Makikita sa mga Facebook posts hanggang sa Senate hearing na hinahanap ni Hontiveros ang koneksyon ng Former Economic Adviser ng Pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang, at kanyang mga kaibigan, kasama na ang asawa ni Lin.

“Ang pangalan po ng asawa ko ay Weixiong Lin. Siya po yung nasa picture na tinutukoy sa post ni Sen. Hontiveros pero hindi po siya si Allan Lim at wala pong kinalaman sa ang asawa ko sa kalakalan ng droga,” pahayag ni Lin.

May mga banta na diumano sa kaligtasan ng pamilya ni Lin.

Ayon umano kay Hontiveros,tatanggalin lang daw niya ang mga online posts niya ukol sa pamilyang Lin kung ipag-uutos ni Senator Richard Gordon.

AUTHOR PROFILE